Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

$3.3-B mega energy deal rerebisahin ng ERC

031224 Hataw Frontpage

NAKATAKDANG rebisahin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang magiging epekto ng $3.3 bilyong liquefied natural gas (LNG) deal sa consumer prices.

Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, sa kabila na ang dapat magsagawa ng review sa merger ay ang Philippine Competition Commission (PCC), ang kanyang tanggapan ay kikilos din upang pag-aralan ang magiging epekto nito sa kasalukuyan at mga susunod na  power supply agreements (PSAs) ng Meralco at ang mga kilos ng players sa  Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at retail market.

Matatandaang nagsanib-puwersa ang ERC at PCC para sa pag-monitior at pag-iimbestiga ukol sa alegasyon ng anti-competitive practices sa power sector.

Ang inisyatibo ay naganap sa isinagawang 2019 Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang regulators upang matiyak ang maayos na kompetisyon sa energy industry bilang tugon sa malawakang brownout at pagtaas ng presyo sa singil ng koryente.

Layunin ng naturang joint fact-finding inquiries na matiyak at matukoy ang mga anti-competitive na nagdudulot ng perhuwisyo sa kapakanan ng mga consumer.

“There has been a standing agreement for coordinated review since 2019. We just operationalized the agreement by setting up the joint inquiry last month,” ani Dimalanta.

Iginiit ni Dimalanta, malawakan ang kakayahan ng PCC sa pagrebyu ng mga kasunduan at kilos lalo sa uncompetitive behavior patungkol sa power industry sa kanilang pakikipag-ugnayan sa ERC.

“This synergy allows our respective agencies to better fulfill our mandates and serve the Filipino public,” ani Dimalanta.

Magugunitang nagkaroon ng $3.3-billion deal sa pagitan ng Meralco PowerGen (MGen), Aboitiz Power, at San Miguel Global Power Holdings Corp. (SMGP) upang ilunsad ang kauna-unahan at most expansive na LNG terminal.

Sa sandaling mag-fully operational ang LNG facility sa Batangas ay inaasahang magsusuplay ng fuel sa mga planta na inaasahang mag-generate ng mahigit sa 2,500 megawatts (MW) ng koryente.

Sa ilalim ng kasunduan, ang MGen at Aboitiz Power  ay mamumuhunan sa dalawang SMGP’s gas-fired power plants kabilang ang 1,278MW Ilijan power plant at ang bagong 1,320 MW combined cycle power facility.

Naunang nang inakusahan ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na ang naturang pagsasanib puwersa ay mauuwi lamang upang mamonopolyo ang LNG market na pahihintulutan ang mga kompanyang magtakda ng presyo na mauuwi sa mataas na singil sa presyo ng koryente. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …