Sunday , December 22 2024
Gian Sotto Womens

Hikayat ng QC Vice Mayor Sotto, kalalakihan manguna sa paglaban vs Violence Against Women

NANINIWALA si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto na masusugpo ang Violence Against Women (VAW) kapag sinimulan ng mga kalalakihan na wakasan ito.

Bilang mga lalaki, dapat nilang tulungan ang maraming kababaihan na ‘walang boses’ at ‘hindi maipaglaban’ ang kanilang sarili.

Ginawa ni Sotto ang pahayag nang dumalo sa mass oathtaking ng libo-libong kalalakihan na sumali sa Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) .

Ayon kay Sotto, layunin ng MOVE na himukin ang mga kalalakihan na manindigan para sa kanilang pamilya at komunidad at lumaban para sa proteksiyon  ng mga kababaihan.

Batay sa datos ng Philippine Commission on Women, isa sa apat na Pinay na may edad 15 hanggang 45 anyos ang nakakaranas ng physical, emotional, mental, at  sexual violence mula sa kanilang asawa o partner at sa ibang tao sa kanilang komunidad.

Ang pang-aabuso ay nararanasan ng mga kababaihan hindi lamang sa bahay kung hindi maging saan mang lugar at institusyon.

Hinimok ni VM Sotto ang mga kalalakihan na pangunahan ang paglaban sa karahasan lalo sa loob ng tahanan sa tulong  ng Gender and Development Office ng pamahalaang lungsod ng Quezon. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …