Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea at Dominic nag-uusap daw, pagbabalikan possible

HATAWAN
ni Ed de Leon

MANINIWALA ba kayo na umano nakapag-usap na rin ulit sina Bea Alonzo at Dominic Roque, at hindi na nga raw dapat pagtakhan kung isang araw ay malaman na nag-reconcile na sila  at maaaring matuloy ang kanilang kasal.

Sa ngayon hindi pa nga siguro makukompirma ang mga tsismis na iyan. Si Bea ay sinasabing naglalagi sa kanyang farm sa Zambales. Naroroon din kasi ang kanyang ina at wala naman siyang ginagawang projects sa ngayon. Mukhang nakalimutan na ang mga project na nakalinya sa kanya noon maging sa telebisyon nang hindi kagatin ng tao ang team up nila ni Alden Richards.

Wala pa rin naman ang sinasabing mga pelikulang gagawin niya. Noon nag-aagawan sila kay Bea ngayon parang lahat matamlay na.

May nagsasabi pang kung magtatagal pa ang ganyang sitwasyon maaaring magbakasyon muna siya sa kanyang nabiling apartment sa Spain, na sinasabing balak niyang mag-retire pagdating ng araw. 

Sa Spain ang sino mang tao, maski na dayuhan basta nakabili ng real estate property sa kanilang bansa ay binibigyan nila ng karapatang manirahan doon. Kaya may karapatan si Bea.

Sa ganoon ay makaiiwas pa nga siya sa mga tanong tungkol sa kanilang split ng dating boyfriend at ang hindi pagkakatuloy ng kanilang kasal.

Mas magiging matahimik at mapayapa ang buhay niya, tutal wala pa naman siyang ginagawa sa ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …