Saturday , April 26 2025
Andre Perez Dizon

PBGen Dizon pinarangalan ng PNP NHQ (sa epektibong pamumuno sa hanay ng Kasurog Cops PRO5)

GINAWARAN ng “Medalya ng Katangitanging Gawa si Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez Dizon bilang mahusay na  ehemplo sa epektibong pamumuno sa hanay ng mga pulis  sa Bicol Region.

Ang maayos na pagtimon ni PBGen. Dizon sa hanay ng Bicol PNP ay nagresulta sa pagkatimbog at pagkasawi ng isang notoryus na lider ng criminal group na sangkot sa gun for hire, kidnapping,  serious illegal detention,rape, extortion at robbery sa Albay at karatig na probinsiya sa rehiyon na natuldukan sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa ilalim ng  “Coplan Iron” ng  pinagsanib na puwersa ng PRO5, at NCRPO katuwang ang DI at IG noong 24 Enero 2024 sa Parañaque City.

Ang naturang  parangal ay  personal na iginawad nina  C/PNP General Benjamin Acorda, Jr., at Hon. Elizaldy Co, Chairperson of House Committee on Appropriations at Representante ng AKO Bicol Partylist sa ginanap na Flag raising and awarding ceremony sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …