Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eric Quizon Kuya Germs

Eric Quizon gagayahin si Kuya Germs, mag-aalaga at magpapasikat ng artista

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABIGAT ang sinabi ni Eric Quizon na gagayahin niya ang style ng pag-build-up ni German Morenong mga artista.

Si Eric kasi ang namumuno ngayon ng talent center ng isang network at tama siya, walang makakapantay kay Kuya Germs sa pag-build-up ng napakaraming artista na napasikat. Pero baka hindi niya alam kung gaano kahirap din para kay Kuya Germs na magpasikat ng isang artista. Una na nga iyang damit. Basta ang isang tao ay nag-artista, hindi na puwedeng ang isinuot mong damit ay basta-basta na lang. Kailangan iyong maporma pero kung baguhan pa ang isang artista saan siya kukuha ng pambili lalo n kung mamahalin ang damit? Sa ganyang problema, si Kuya Germs na ang bumibili ng damit nila.

Ayaw na ayaw ding masabi ng Mastee Showman na may naghahangad na maging artista na walang karapatan. Habang sinasabihan iyan ng walang karapatan, lalong pinagsisikapan ni Kuya Germs na sila ay pasikatin. Nakatatawa dahil ang marami roon sa sinasabi nilang walang karapatan ay napasokat talaga ni Kuya Germs.

Kung sabihin ni Kuya Germs, ang ginawa niya ay iyong nakagisnan din niyang ginawa nina Doc Perez at Don Jose Zara na mga mentor niya simula pa noong panahon ng Vaudeville sa Clover Theater hanggang sa pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …