Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Illegal na baril ipinangratrat sa bagitong parak

PATONG-PATONG na kaso ang kahaharapin ng bagitong parak, makaraang magpaputok ng baril sa loob ng Camp Crame, ulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si PO1 Paul Ivan Talagtag, 27,  nakatalaga sa San Mateo Municipal police station.

Sa ulat, naganap ang insidente bandang 12:45 ng madaling araw sa nasabing kampo, sa harap ng Camp Management and Service Unit (CMSU) building.

Nabatid na nasa loob ng barracks si SPO1 Rodolfo Cayabyab, at natutulog, nang makari-nig siya ng putok ng baril.

Dahil sa pangyayari, lumabas si Cayabyab upang alamin kung saan nanggaling ang putok at  dito nakita niya ang suspek na may itina-tagong cal.40 ng baril na walang kaukulang papeles.

Paglabag sa election gun ban, alarm and scandal, at illegal possession of firearm ang kahaharaping kaso ni Talagtag. (JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …