Monday , December 23 2024
Alan Peter Cayetano

Cayetano isinulong maayos na alert system para preparasyon sa banta ng kalamidad

BINIGYANG-DIIN  ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na sistema sa pagbibigay ng impormasyon bilang bahagi ng paghahanda sa mga kalamidad.

Sinabi ito ni Cayetano, chairperson ng Senate committee on science and technology, sa pagdinig ng panukalang modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at Earthquake Monitoring and Early Warning System Act.

“God forbid that the ‘Big One’ hits Metro Manila, and it can also hit Mindanao, Metro Cebu, or Baguio City. Not only should we consider the preparedness, but the cascading of information kasi as presented earlier, puwedeng down ang lahat ng [communication] lines,” wika ng senador sa pagdinig kahapon, 12 Pebrero 2024.

Aniya, malaking problema ito dahil noong tumama ang super typhoon Yolanda noong 2013, napag-alaman na mayroon lamang 30 satellite phones ang buong network ng gobyerno na hawak ng militar noong panahon na iyon.

Ito ang dahilan aniya kung bakit walang balita ang mga tao sa nangyayari sa ibang lugar sa Leyte at Samar noong unang araw ng pananalanta ng bagyo.

“In the future we’d like to ask the Metro Manila Development Authority (MMDA) and local government units (LGUs), if something does happen, are we dependent on cell phones? Kapag nawalan ng signal, do we have an alternative? Nagkaroon din ng problema ang satellite phones noon (during Yolanda) sa charging,” sabi ng senador.

Binanggit ni Cayetano ang kahalagahan ng pagmamapa ng mga pampublikong impraestruktura na nasa ibabaw ng fault line, pati na ang pagsusuri ng kanilang linya ng komunikasyon.

“I don’t know if any of our train systems, skyways are built on top of a fault line. Assuming meron na ngang tremor, is there any direct information about the LRT, MRT, Skyway, or is it through media na nagmo-moni0tor din sila?” tanong ni Cayetano.

Sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol, ang kanilang ahensiya ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), na silang nagsasapubliko ng impormasyon.

Sinabi ni Bacolcol, nagpo-post din ang Phivolcs ng real-time na impormasyon sa pamamagitan ng mga social media account nito.

FAULT LINING MAP

Binigyang diin ni Cayetano ang kahalagahan sa pag-mapa ng fault line sa buong bansa at pamamahagi ng impormasyon sa mga ahensiyang namamahala sa pampublikong impraestruktura.

“Since titingnan na rin ‘yung mga bahay (na nasa fault line), tingnan na rin natin ‘yung MRT, LRT, highway so that we know if nakikinig lang ba sila sa media or mayroon ba silang direct information, kumbaga ‘yung first red phone na magri-ring kung may problema,” wika niya.

Tungkol sa pangangailangan para sa mas maraming kawani sa Phivolcs, iminungkahi din ni Cayetano sa ahensiya na bumuo ng isang scholarship program na maghihikayat sa kabataang Filipino na kumuha ng mga in-demand na kurso sa agham tulad ng hazard mapping.

“We’ll try to put something in the bill that would encourage Phivolcs to have a special scholarship program,” aniya.

Natapos ang pagdinig sa pangunguna ni Cayetano sa pag-aproba sa Phivolcs Modernization Act at Earthquake Monitoring and Early Warning System Act sa antas ng Senate Committee on Science and Technology.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …