Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Roadkillers 2

Nadine sumabak sa matitinding aksiyon sa Road Killers

MATABIL
ni John Fontanilla

NAG-ENJOY sa kanyang kauna-unahang suspense action thriller series na Road Killers ang award winning actress na si Nadine Lustre.

At kahit nga nahirapan ito nang husto  sa ilang eksena sa pelikula katulad ng fight scene nila ni Jerome Ponce na gumaganap bilang si Marco na masyadong mapisikal ay okey lang kay Nadine dahil gustong-gusto niya ang ganitong klaseng proyekto.

Ginagampanan ni Nadine ang role ni Stacey Sunico, isang mapagmahal na anak na handang pumatay para sa kanyang ama.

At habang ginagawa nito ang pelikula ay naaalala niya ang kanya Daddy Dong Lustre na parang si Bodgie Pascua na gumagabap bilang si Nato, ang tatay ni Stacey.

Noong nagsu-shoot nga kami, sabi ko, ‘si Tito Bodjie really reminds me of my dad.

“At ‘yung character niya, my dad is a mechanic din talaga. 

“Like me, I grew-up as a daddy’s girl. So, ako mahilig magkalikot din. Na-fascinate ako sa daddy ko na magaling magkalikot ng stuff.

“Lumaki ako na ganoon just like Stacey. Pero, ang dad ko, hindi naman siya huntsman.”

At tulad ni Stacey, gagawin din ni Nadine ang lahat-lahat para sa kanyang pamilya, pero hindi nito kayang pumatay.

Ang Road Killers ay hatid  ng Studio Viva, idinirehe ni Rae Red at mapapanood simula  March 1  sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …