Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albee Benitez Ivana Alawi

Mayor Albee itinanggi si Ivana Alawi

HATAWAN
ni Ed de Leon

ITO pa ang isang napakagulo, sinabi ni Mayor Albee Benitez na hindi totoo ang pasabog ng mga marites na may relasyon siya sa isang sexy star. Sinabi niya na ang relasyon niya sa mga sexy star ay propesyonal lamang dahil producer siya sa tv ng mga show.

Isa pa, sinabi niyang wala naman daw masasagasaan dahil matagal na silang hiwalay ng asawa niya. Pero biglang pumalag si misis at sinabing hindi totoo ang sinabi ni Mayor. Dahil hanggang sa ngayon ay nagsasama pa rin sila.

Hindi pa rin natatagalan may isang netizen na nag-post ng picture ni mayor, na bagama’t may suot na face mask ay ipinipilit nga nilang si Mayor Albee raw dahil nag-alis rin naman daw iyon ng face mask at nakita nila na si mayor nga. Ang picture ay kuha sa isang airport sa Japan na kasama raw ni mayor ang sexy starlet na si Ivana Alawi. Dalawang statement ni mayor ang natumbok. Una ang statemement niyang hiwalay na sila ng kanyang asawa, at ngayon ang sinasabi niyang wala siyang kaugnayan na sino mang sexy star. Lahat naman ng mga tao ay natural magde-deny, pero iyong kanyang denial ay wala nga yata sa panahon.

Ano nga ba ang totoo mayor? O baka naman wala talagang relasyon. Maaaring nag-usap lang sila tungkol sa lato lato tournament sa Japan. Kung sa bagay, hindi lang naman sa China, lunar New Year din naman sa Japan. “Maaaring namamasyal lang sila parang sa Luneta, kahit na walang pera.”

Dapat kasi mas maging munawain na tayo, Year of the Dragon na, ang dami ng nag-split at nagkahiwalay sa Year of the Rabbit. Ngayon kasisimula lang ng Year of the Dragon may buwena mano na. Naalala tuloy namin ang ka-date noon na nanood ng Enter the Dragon ni Bruce Lee, ayun hiwalay na rin sa asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …