Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea inaming ‘di pa handang magpakasal hindi rin tiyak kung sasaya kay Dominic

HUMINGI pa ng dispensa si Bea Alonzo at nagpasalamat sa kanyang ex na si Dominic Roque na naintindihan rin niyon ang bigla niyang hindi pagpapakasal later this year.

Inamin ni Bea na naisip niyang hindi pa siya handa, at baka hindi rin naman siya maging maligaya kay Dominic kapag nakasama niya habambuhay. Isipin mo, ang tagal nilang magsyota, tapos ngayon lang niya naisip hindi pala siya magiging maligaya kay Dominic.

Eh si Dominic buo na ang plano, pati mga magiging bisita nila sa kasal, kaya nasabi nga niyang kukumbidahin nila si Kathryn Bernardo pero hindi si Daniel Padilla, tapos wala palang mangyayaring kasalan?

Ang tanungan nga ngayon, sino kaya ang naka-usog kay Bea at bigla niyong tinanggihan si Dominic? Paano ba niya nalamang hindi siya magiging maligaya kung si Dominic ang mapapangasawa niya? 

Kung ang nagsangguni siya sa isang Feng Shui master, tiyak na sasabihin sa kanyang magandang pakasal ngayon dahil Year of the Dragon. Puwera na lang kung nagpahula siya o nagpatawas siya at sinabing hindi siya kayang paligayahin ni Dominic? At bakit naman daw hindi siya liligaya kay Dominic?

Sabi  nga ng isang matandang showbiz gay, mas maganda pa nga ang bukol ni Dominic basta naka-brief kaysa kay Gerald Anderson eh.

Naku ewan wala na kaming pakialam dyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …