Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erika Balagtas

Erika Balagtas, dream maging bida sa isang heavy drama movie

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KABUGERA ang taglay na hotness ng sexy star na si Erika Balagtas. Pasabog ang kombinasyon ng kanyang beauty at ng curvaceous body.

Si Erika ang tipo ng hot babe na kinababaliwan ng maraming boys, ibang klase kasi ang lakas ng hatak niya sa mga barako.

Sa vital statistics niyang 36B-25-34, aminado si Erika na pansinin ng maraming kalalakihan ang malulusog niyang boobey.

Ano ang reaction niya kapag may boys na grabeng tumingin sa dibdib niya?  

“No reaction po, alam ko naman po kasi na hanggang tingin lang naman po sila,” nakangiting pakli ng dalaga.

Isa pang asset niya sa pagiging sexy star ay ang kanyang butt, pansinin daw kasi ito ng mga kalalakihan.

So far ay limang movie na ang nagawa niya ito ang Star Dancer, Langitngit, Haliparot, Pantasya ni Tami at Cit.

“Ang Cita po, wala pa pong date kung kailan po ito ilalabas,” esplika ni Erika.

Aminado ang sexy actress na sa latest movie niya na Pantasya ni Tami ay super-sexy at daring siya.

Wika ni Erika, “Bale sa movie, character po ako na nasa imagination o pantasya ni Tami, na ginagampanan ni Azi Acosta

“Yes po, itong movie na Pantasya ni Tami ang pinaka-daring na nagawa kong movie, so far.

“Chibi Tami po ang name ng role ko rito, super-daring po and wild po ako rito sa pang-limang project ko po.”

Inusisa rin namin ang next project niya.

Tugon ng sexy actress, “Pater Noster po sir, pero di po ako sure if sa Vivamax po siya ipalalabas. And hindi pa po nag-i-start yung shooting namin.”

Si Erika ay last year lang pumirma ng kontrata sa Viva at ngayon ay humahataw na siya sa iba’t ibang projects.

Ang dalaga ay isang cadet pilot na nag-training sa All Asia Aviation Academy at tinatapos na lang ang required flying hours para maging ganap na siyang piloto.

Ano ang kanyang dream role at sino ang actress na wish niyang sundan ang yapak?

Pahayag ni Erika, “Ang dream role ko po siguro ay maging lead po sa isang heavy drama movie, hehehe.”

“Si Kathryn Bernardo po kasi idol ko, bata pa lang po ako pinapanood ko na po siya and sobrang bilib po ako sa acting niya. Ang galing-galing po niya,” sambit pa ng Vivamax actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …