Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi pinaboran din sa MIFF: Itinanghal na Best Actress, pinipilahan pa ang pelikula

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALI ang hula. Hindi pa man nagsisimula ang Manila International Film Festival na ginaganap sa Los Angeles, USA ay sinasabi na ng mga miyembro ng isang kulto, hindi na mananalong best actress si Ms Vilma Santos sa Amerika. 

Sa kanila, walang kuwenta kung manalo si Marian Rivera o si Sharon Cuneta at kahit na si Eugene Domingo pa, basta huwag lang si Ate Vi. May nagsabi pang nag-alay na sila sa kanilang mga anito ng katakot-takot na tinapa at tuyo para masigurong talo si Ate Vi.

Nang malaman ng kulto na hindi sasama si Ate Vi sa LA, ng sabi nila, “kita na ninyo kasi alam niya na ang panalo  niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay tsamba lang.”

Pero mukhang hindi tumalab ang Voodoo nila kay Ate Vi, dahil sinasabi ngang sa MIFF ay unanimously chosen ang Star for All Seasons bilang Best Actress sa sampung naglabang pelikula. Tantiya pa nila, lalabas na pinakamalaki ang kinita ng pelikula ni Ate Vi sa MIFF dahil jampacked ang mga tao sa lahat ng screening niyon.

Pero totoo nga, malaki ang pagkakaiba ng choices ng jurors sa US kaysa MMFF. Bilang Best Actor ay nag-tie sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual na kapwa tinalo ng baguhang si Cedrick Juan sa MMFF. Napili rin nila si Alessandra de Rossi at Pepe Herrera bilang Best Supporting Performers na tinalo ng mga baguhang sina Miles Ocampo at JC Santos dito sa Pilipinas.

Dito ay walang nakuhang award kahit na isa ang Rewind, samantalang doon ay nanalo kahit na paano. Pero may mga insider na nagsabi sa amin na hindi raw naka-abante bilang best actress sina Marian at Sharon na nakakuha lamang ng tig-isang boto. Mabuti pa si Eugene na nakadalawa at lahat nga ng iba ay boto na kay Ate Vi.

Natural masayang-masaya naman si Ate Vi sa nangyari hindi lamang dahil nanalo siya ng award kundi nakita rin niya na pinipilahan ng mga tao ang sinehan na naglalabas ng kanyang pelikula. 

Kailangan pa nga nilang magdagdag ng tatlong screenings dahil sa dami ng gustong manood ng pelikula.

Sinasabi nga nila na maaaring magkaron ng isang roadshow presentation sa buong US ang pelikula ni Ate vi, taliwas  sa sinasabi nila nang ipalabas sa US ang pelikula ni Bea Alonzo na naging isang malaking flop.

Bumabangon na nga ang pelikulang Filipino. Mabuhay si Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …