Friday , November 15 2024
Pura  Luka Vega RS Francisco

Pura Luka Vega welcome mag-perform sa RAMPA

MATABIL
ni John Fontanilla

KAHIT may mga  issue ang Drag Queen na si Pura  Luka Vega ay welcome itong mag-perform sa newest Drag Club sa Quezon City, ang Rampa na pag-aari nina RS Francisco, Cecille Bravo, Ice Seguerra, Liza Dino-Seguerra, Loui Gene Cabel, at ang The Divine Divas na binubuo nina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe, at Brigiding.

Ayon nga kay RS, “Alam mo, okay ako, kami sa lahat. Walang masamang tinapay para sa akin. Ganoon naman iyan, alam n’yo naman iyan lalo na sa mga press friends ko, walang masamang tinapay sa akin.

“Go! Basta you know kung ikabubuti, ikaso-showcase ng talent niya, ipakikita and all that, go!”

Pero ang tiyak na kapag nag-perform si

Pura Luka sa Rampa ay hindi na nito gagawin pa ang controversial Nazareno at “

Ama Namin act na naging dahilan para ma-persona non-grata iba`t ibang bayan sa Pilipinas.

I don’t think gagawin pa niya ‘yan, eh. Kung ako ang tinatanong mo… you know, kasi wala po ako roon, eh.

“Wala po ako roon and marami rin kasi talagang cameras ngayon, maraming nagka-capture and all.”

Dagdag nito, “Isasalungat ko lang ng kaunti, ililihis ko lang ng kaunti. Parang ‘yung mga play po namin sa UP. Mayroon po akong play sa UP called LIVE AIDS. Na pinanonood po ‘yan ng mga executive from ABS-CBN, from GMA, pinapanood po ‘yan.

“And pasalamat po, wala pang camera ng mga panahong ‘yun. Kasi, ang dami naming pinag-uusapan na mga ganoon.

“Usap kami about this, about this politician, about this ganito, about this model, about this artista, and all. And baka na-taken out of context. Hindi ko po alam kasi wala po ako roon. At nakita ko lang, three seconds kay Pura Luka Vega. 

So, wala po ako sa posisyon na mag-comment about that. ‘Yung ginawa niya and all, if that’s his art, kasi, ‘yun yata ‘yung pinu-push niya, eh, even up to now, eh 

“It’s his art. If that’s his art, wala po akong magagawa. I respect everyone’s expression of Art,” ani RS.

But if let’s say, ang government, ang ibang tao, hindi matutuwa, well, that’s their ano na. Kumbaga sa akin, respeto lang sa akin kung ano ang art nila.”

Ang Rampa ay magkakaroon ng bonggang soft opening ngayong araw, January 17, na dapat abangan ang mga Drag Queens na magpe-perfom ng araw na iyon, basta ang panigurado nito na mag-eenjoy ang mga pupunta rito sa magagandang production numbers, sa food at sa magandang serbisyo ng RAMPA.

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …