MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAPASALAMAT si Ruru Madrid sa kanyang magandang girlfriend na si Bianca Umali na nagbantay at nagpuyat nang maospital siya.
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Ruru ang rason kung bakit niya isinugod ang sarili sa ospital.
“Ilang araw na akong may trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita.
“Sinabihan ng doctor na kailangan daw ng maayos na pahinga para sa mabilis na recovery. Meaning, pause muna sa trabaho…gusto ng isip at puso ko na makapagpasaya at mapunan ang trabahong naipangako, pero hindi na po kinakaya ng katawan. Kailangan pakinggan at unawain ang kalusugan.”
Sinabi pa ni Ruru na, “Sa isang tao nga pala ang nagparamdam ng sobrang pagmamahal sa akin.
“Hindi ko alam kung nag hi-chills ako dahil ba sa sakit o sa Kilig. Pero salamat sa taong sumalubong sa akin sa E.R, nagasikaso ng mga papers, nagdala ng pagkain, nagpuyat at nagalaga sa akin. Mahal na mahal kita kita Isadora, salamat sa napakasarap na pagmamahal na hinding hindi ko pagpapalit kailanman.”