Friday , November 22 2024
Mike Magat Catherine Yogi Seven Days

Mike Magat, pang-international filmfest ang pinagkaka-abalahang projects

MULING mapapanoodang veteran aktor na si Mike Magat sa pelikulang pinamagatang Seven Days. Hindi lang siya aktor dito, kundi direktor din.

Tampok din sa pelikula ang newbie actress na si Catherine Yogi. Ang anak ni Mike na si Miguel Antonio Sonza ang cinematographer ng pelikula.

Ayon kay Mike, ang Seven Days ay isang love story-drama na may halong comedy.

Bakit Seven Days ang title? “Actually, naisip ko lang iyong title, kasi tungkol ito sa isang lalaki na naghahanap ng mamahalin. So, binigyan niya lang ng time iyong girl sa loob ng pitong araw.

“Ang nangyari kasi rito, sapilitan, kumbaga sapilitan na dinala niya yung girl sa isang lugar. Doon naman niya inalagaan, kumbaga ay gentleman naman siya roon,” pahayag pa ni Mike.

Lately ay aktibo si Mike sa paggawa ng pelikula na dinadala niya sa abroad at isinasali sa mga international film festival.

Ang unang pelikulang nagka-award si Direk Mike ay sa Isang Hakbang, noong 2015 ito na pinagbidahan nina Snooky Serna at ng anak niyang si Miguel.

Kuwento ni Direk Mike, “Sabi ko (sa sarili ko) na kung susubok ako, gagawa na ako ng project na may pangalang artista. Lalakasan ko na ang loob ko, kasi sa panahon ngayon, lakasan lang talaga ng loob. Kumbaga, kung panghihinaan ka ng loob ay walang mangyayari sa iyo, eh.”

Aniya pa, “Ewan ko ba, parang, mula nang nag-start akong magdirek, parang mas lalong lumawak po iyong utak ko sa mga… ‘Tapos ayon, hindi ko naman alam, napadpad na lang ako sa ibang bansa.

“Imagine rati, nakikita ko lang iyong mga director na naa-award-an sa international, tapos ako magugulat na lang ako sa sarili ko na parang, ‘Ano ginagawa ko rito, bakit ako nandito?’ So, parang hindi pa rin ako maka-move on sa mga ganoong pangyayaring nagaganap sa buhay ko.

“Pero siguro, nakita ko lang na ano, malakas lang talaga ang loob ko. Basta go lang nang go, kapag may naisip ako, gusto ko ay gawin agad. Ang opportunity kasi ay minsan lang dumating sa buhay natin iyan, eh.”

Nabanggit din ni Direk Mike ang rason kaya gusto niyang isabak sa mga international market ang kanyang mga pelikula.

Esplika ng aktor/direktor, “Hindi lang kasi para kumita eh, hindi eh. Kasi passion ko ito talaga, passion ko itong paggawa ng pelikula.

“Dalawa ang bentahe sa international market, kasi may market talaga at maganda rin naman na iyong nakakakuha ka ng awards. Kasi iba rin ang pakiramdam na ang kahilera mong directors, mga international directors. Mga makakasalumuha mo, mga taga-Bollywood. Minsan sila yung mga lumalabas sa pelikula ng mga sikat na actor.

“Alam mo iyong ganoon? Na kahit paaano ay nabibigyan ko rin ng karangalan ang Pilipinas. Na kung magtanong ang iba kung nasaan na si Mike Magat ngayon? ‘Ano siya, nasa ibang bansa, nasa international (project) siya,'” pakli pa ni Mike.

Samantala, second movie na ito ni Catherine, Una ay via a short film titled Korona, na si Direk Mike din ang direktor.

Pahayag ni Catherine, “Ako po’y nag-start sa larangan ng showbiz dahil po kay Direk Mike. Binigyan niya ako ng chance na marating po ngayon kung ano man ang na-achieve ko.

“Noong year 2000 po ay nagpunta ako sa Japan at hanggang ngayon ay doon ako naka-base. Unang-una po ay nag-join ako ng mga beauty pageants doon at may naka-discover po sa aking isang blogger po roon na ipinakilala ako kay Direk Mike.”

Thankful din si Catherine dahil very supportive ang family niya sa kanyang pagpasok sa showbiz.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Juan Karlos Live

Juan Karlos ninenerbiyos habang papalapit ang konsiyerto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio   NAGHAHANDA na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo para sa …