Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi bigong makarating sa Parade of Stars (kahit nagpipilit)

HATAWAN
ni Ed de Leon

TAHIMIK silang lahat, but the word is out hindi nga nakarating si Ate Vi (Ms Vilma Santos) sa Parade of Stars dahil talagang hindi pa niya kaya. Malala ang kanyang sipon at ubo, at kung sasama pa siya magbibilad pa sa araw, aba eh baka lalo siyang lumala at mag-Pasko pa siyang may sakit.

In fact nagpipilit si Ate Vi na sumama sa parade, “kahit na maikli lang” dahil alam niya madi-disappoint ang fans na hindi siya makita. Pero hindi siya pinayagan ng kanyang doctor, at ang matindi sa lahat hindi na rin siya pinayagan ni Cong Ralph Recto. Hindi nakikialam si Cong Ralph sa career ni Ate Vi nakarating nga siya hanggang Cebu dahil sa promo hindi umangal iyon eh, pero kung talagang hindi na tama, makikialam na iyan at karapatan niya iyon bilang asawa.

Ipinaliwanag ni Cong Ralph na may sakit na nga siya, at sabihin mang puwede naman siyang nakaupo na lang puwede naman siyang huwag magpa-init sa araw lagyan na lang ng tabing, “pero kung pagkatapos may magkasakit doon sa kasama mo, ikaw ang pagbibintangang nakahawa.” Tama naman, at siyempre para kay Cong nananaig iyong social responsibility na kung may sakit ka umiwas kang makahawa ng iba. Kaya walang choice si Ate Vi kundi sumunod.

Nagtatanong pa si Ate Vi, baka puwede naman siyang makita sa Zoom, mayroon namang mga wireless na internet gadgets, pero maliwanag ang araw kaya malabo rin naman iyon on screen. Isa pa hindi naman lahat ng lugar na dadaanan nila may signal.

Ang lalong nagpatahimik kay Ate Vi, iyong tanong na, “ano ang gusto mo, sumama ngayon at ni hindi ka makapag-monitor kung ano ang kinalabasan ng pelikula mo sa opening day, at hindi ka rin makarating sa awards night? Alin ba ang mahalaga?”  

Tahimik na si Ate Vi sinundan na lang niya ang nangyayari sa mga streaming na lumalabas sa internet, at saka tinatawagan naman siya ng mga VIlmanian  kaya updated siya sa nangyayari. Pero ang mga Vilmanian ha, lalo na iyong VSSI, alam na nilang hindi makakasama si Ate Vi pero lalo silang maraming nagpunta roon bilang suporta sa kanyang pelikula, at makita ng mga tao na matindi ang support sa pelikula wala man doon ang Star For All Seasons.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …