Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TVJ on TV5 Eat Bulaga Dabarkads 2

E.A.T. to Eat Bulaga na ba?
TVJ WAGI SA TRADEMARK BATTLE VS TAPE INC

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAGBUBUNYI nga ang TVJ, Dabarkads, at mga supporter ng E.A.T., at EB dahil kinansela ng IPO o Intellectual Property Rights office ang isinampang kaso ng TAPE Inc hinggil sa karapatang paggamit ng mga salita/titulong EB at Eat Bulaga sa TV at ibang platforms.

Sa inilabas na desisyon ng IPO, pinaboran nito ang TVJ dahil hindi napatunayan ng TAPE Inc kung paano nilang na-acquire ang EB/Eat Bulaga titles.

Isang napalaking tagumpay ito para sa dabarkads nina Tito Sotto, Joey de Leon, at Vic Sotto na tila matagal ding nanahimik at naghintay sa mga labang legal nila.

At ngayon ngang sila ang napaboran ng desisyon, maituturing nga itong napakasaya at bonggang Christmas gift para sa kanila.

Nakuhanan namin ng pahayag/reaksiyon ang TAPE Inc sa pamamagitan ng kanilang abogadong si Atty. Maggie Garduque.

Sagot sa amin ni Atty. Garduque, “Yes I read this news. TAPE’s handling lawyer for IPO cases, Atty. Siao has not received a copy of said decision yet. But if this is  true, under the rules, TAPE can appeal this decision to the director of the BLA of IPO. If still unsatisfied with the decision of the director, they can still appeal it to the director general of the IPO. TAPE Inc will avail of all legal actions/remedies to reverse this decision.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …