Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gillian Vicencio Kathniel Daniel Padilla Karthryn Bernardo

Gillian natutulog sa pansitan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAAWA naman kami roon sa female star na si Gillian Vicencio. Mayroon na kasi kaming narinig na blind item umaga pa lang pero hindi kami mahilig na magtanong-tanong. Hanggang noong dakong hapon na isang kakilala namin ang nagkuwento tungkol sa kumakalat na tsismis na iyon daw si Gillian ang sinasabing third party sa split ng KathNiel. Naalala namin ganoon nga ang initials na nakalagay sa blind item pero bakit naman iyong bata ang pagbibintangan eh mukhang natutulog pa siya sa pansitan nang mangyari ang krimen?

Naging maliwanag sa amin ang motibo sa kadaldalan ng mga tropa ng may sala sa kanya nga pumutok ang issue at siguro naisip nilang humanap ng escape goat iyong mapagpapasahan nila ng kasalanan nila para iyon ang tamaan  ng ngitngit ng KathNiel fans at makalibre sila.

After all mahahalata mo naman sa mga unang kuwento pa lang eh. Hindi naman seryoso ang third party na makarelasyon si Daniel Padilla dahil hindi naman siya sigurado talaga roon. Ang gusto niya siguro ay masubukan lang o kaya ay maka-fling si Daniel na mukhang nangyari naman. At matapos iyon may kinuha na naman siyang iba.

Iyan namang si Daniel palagay naman namin hindi talagang seryoso sa third party na kilalang “Mang Tomas” dahil sawsawan na ng bayan  na binabaran na ng dati niyang boyfriend pero nakakita ng mas maganda at mas sariwa kaya siya iniwan. Isipin mo kung may nakita ka na nga ba namang lapu-lapu hindi mo pa iiwan ang isdang talimusak?

Ito namang talimusak gustong maihain siya kasama ng fried chicken para mabili naman siya. Eh iyong fried chicken naman pala ay tumikim lang kung ok nga ba ang talimusak? ‘Di pagkatapos iniwan din naman siya.

Minsan ang buhay sa showbusiness matatawa ka na lang na hindi mo maintindihan. Marami kasing iba-ibang characters dito na ang bawat isa may kanya-kanyang papel sa buhay.

Basta kami, ang paniwala namin hindi pa goodbye iyang KathNel. Puwedeng wala na silang relasyon pero basta pinagawa sila ng proyekong magkasama pa ok lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …