Monday , December 23 2024
duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at sinasabing kaalyado nito ang gobyerno ng Tsina, batay sa natanggap nilang intelligence report.

Patuloy na kinokompirma ng PMP, isang underground organization ng mga manggagawa na  pinamumunuan ng namatay na si Felimon “Popoy” Lagman,” ang natanggap nilang ulat sa ahensiya  para sa seguridad ng estado.

Nauna rito, ipinahayag ni National Security Adviser Eduardo Año, lumilikha ang China ng ‘dibisyon’ sa mga Filipino sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea.

“Kabilang sa multifaceted approach ng China ang mga information operations na partikular na idinisenyo upang lumikha ng mga dibisyon sa loob ng ating bansa, habang nagsusumikap magkaisa ang mga mamamayang Filipino sa ating paninindigan sa isyu ng West Philippine Sea,” saad ni Año.

Ayon kay Clara Obrero, spokesperson ng Partido ng Manggagawang Pilipino (PMP), sa kanilang pagsusuri ay ipinapakita nito ang dagdag na dimensiyon sa dati nang alitan sa loob ng dominanteng paksyong pampolitika at sa pagitan ng naggigiriang mga elitistang paksiyon.

Ito ay tunggalian ng makapangyarihang mga estado’t gobyerno sa mundo – partikular ang Estados Unidos at Tsina, saad niya.

Ipinapakita nito, ang “independent foreign policy” ay hindi isusulong ng kampo ng mga eltista, na hindi magdadalawang-isip na maging ‘pawn’ kapag mahinog na ang “proxy war ng Estados Unidos at Tsina. Wala itong pinag-iba sa katraydoran ng mga Ilustrado noong unang pakikibakang anti-kolonyal sa pagbubukas ng ika-20 siglo, pagpapalawig ng tagapagsalita ng PMP.

Sa namuong dibisyon, ipinapakita rin nitong uunahin ng mga elitista ang kanilang sariling interes, hindi ang isinisigaw ng masang Filipino para sa agarang tugon sa mga krisis sa kabuhayan, presyo, pagkain, trabaho, karapatan, at klima sa patuloy na bumabatbat sa kanila, anang PMP.

“Dahil dito, muling napatunayan ang aral ng buhay ni Andres Bonifacio. Nasa kamay ng uring manggagawa at masang anakpawis ang independiyenteng interes ng sambayanang Filipino sa ating relasyong panlabas at ang agarang pagtugon sa iba’t ibang krisis, hindi sa kamay ng mga maka-Amerikano o maka-Tsino na elitista,” paliwanag ni Obrero

Mauungkat sa kasaysayan, si Andres Bonifacio ay pinagtaksilan, binansagang traydor kalauna’y ipinapaslang ng ilang  Ilustradong  miyembro ng Katipunan.

               Hangad ni Bonifacio na makamit ang ganap na  kalayaan mula sa mga Kastila. Ngunit nais ng ibang miyembro ng rebolusyonaryong pamahalaan ang pagkakapantay-pantay ng mga Filipino sa mga Kastila. 

Ipinaalala ng grupo, sa bangayan ng mga elitista ay siguradong iimpluwensiyahan nito ang hanay ng masang mahihirap upang kumatig sa kanilang politikal na paksiyon. Kailangang panatilihin ng masang Filipino ang independiyentenarg interes ng uri para sa paghahanda na maisulong ang tunay at makabuluhang mga pagbabago.

Sa kalatas ng PMP, kapag nahinog sa krisis pampolitika ang alitan ng mga naghaharing uri ay hindi lamang regime change kundi social change ang ninanais ng grupo —  daan tungo sa pagtatag ng gobyerno ng masa. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …