Monday , December 23 2024

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

120423 Hataw Frontpage

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang na refund ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang customers kasunod ang paghayag na dapat ay ibaba na ang singil sa koryente matapos ire-compute ng regulators sa weighted average cost of capital (WACC).

Ayon kay Alfredo Non, dating ERC commissioner, batay sa computation dapat i-refund ng Meralco sa kanilang mga customer ang mga sumusunod: P2,700 kada buwan para sa may konsumong 200 kwh kada buwan: P9,500 kada buwan para sa konsumong 300 kwh kada buwan: P15,500 kada buwan para sa may konsumong 400 kwh kada buwan : P51,000 kada buwan para sa may konsumong 1,000 kwh o higit pa kada buwan.

“So, P150 billion should be returned to us. I have already submitted my proposed computation to ERC. Now after the refund is paid, the monthly bill will change,” ani Non.

Tinukoy ni Non, kasama sa kanyang computation ang bagong singil ng Meralco sa mga customer matapos nitong makompleto ang refund.

Ipinunto ni Non, ang adjustments na dapat ipatupad ng Meralco ay ang mga sumusunod: rate reduction  ng P22 kada buwan sa mga may konsumong 200 kwh kada buwan: rate reduction ng  P79 kada buwan para sa may konsumong 300 kwh kada buwan: rate reduction ng P129 kada buwan para sa mga may konsumong 400 kwh kada buwan: at rate reduction ng  P428 kada buwan para sa mga may konsumong 1,000 kwh o higit pa kada buwan. 

“That’s my initial computation, depending on how the appreciation of the ERC is. Since 2012, there have been no complete rates,” dagdag ni Non.

Binigyang-linaw ni Non, ang tinutukoy niyang refund ay dahil sa singil ng Meralco na P1.47 per kwh sa kabila na ang provisional authority rate ay P1.38 per kwh lamang.

“The rates should be reset every four years so that means Meralco does not have a final rate. From 2012 until now, Meralco’s average billing rate to us is P1.47 per kwh. So, there is already an overbilling of P0.09 per kwh,” giit ni Non.

Idinagdag ni Non, ang basehan ng Meralco ay ang provisional P1.38 per kwh na temporary lamang ngunit hindi ito sinusunod.

Nakita ni Non ang error sa provisional rate na aniya dapat ay nasa P1.05 o P1.06 kada kwh.

“There are two issues here,” ani Non. “The wrong computation from 2012 to 2015 and the WACC. These are the two things that will change our rate: If the error is corrected and the decrease in interest rates,” paglilinaw ni Non.

Ang WACC ay isa mga pangunahing basehan para makuwenta ang presyo ng koryente sa ilalim ng government’s rate-setting methodology na tinatawag na Performance-Based Regulation (PBR).

Nauna nang sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez, ang unadjusted WACC ang isa sa dahilan ng mataas na singil sa koryente at idinadagdag pa niya na ang kasalukuyang WACC ng Meralco ay nakabatay sa pagpayag na magkuwenta ayon sa Asian financial crisis ngunit, hindi pa rin binago matapos ang krisis na nagbigay daan sa Meralco para maningil ng mataas na halaga.

Paglilinaw ni Non, ang mga numerong kanyang tinukoy ay batay sa sarili niyang kuwenta na isinumite sa ERC.

“I started doing my own calculations after my retirement in 2018. After I did the calculations, I submitted it to the ERC but of course it’s now up to them already,” giit ni Non.

Samantala, ipinamamadali ni Senador Sherwin Gatchalian sa ERC ang pag-reset ng WACC at agarang pag-aralan ang kaso ng Meralco na 14.97 percent  simula pa noong 2015.

“ERC should make sure that charges passed on to consumers by distribution utilities to consumers are fair and correct. Consumers should not pay more than what is proper,” ani Gatchalian.

Tiniyak ng ERC na target nilang makapaglabas sa Marso 2024 ng pinal na pag-aaral at reset distribution utilities lalo ang Meralco ukol sa WACC.

Ngunit pinuna ni Gatchalian ang itinakdang buwan at taon ng ERC na aniya ay sobrang delay nang mahigit isang taon.

Tiniyak ng Meralco, ang lahat ng kanilang rates ay aprobado ng ERC at sumusunod sa adjust costs order mula sa komisyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …