Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DI GP Southeast Asian Series Drifting competition

Drifts into action: Exciting drifting competition nasa Pinas na!

HUMANDA sa adrenaline-pumping experience ng DI GP Southeast Asian Series, ang most anticipated drifting competition sa bansa na handa na para sa napaka-exciting na competition sa December 2-3, 2023 sa R33 Drift Track, San Simon, Pampanga.

Ang matinding event na ito ay nangangakong magso-showcase ng best of drifting talent, na magtatampok din sa mga skilled driver, passionate enthusiast, at thrill-seeking spectators para sa isang ‘di makalilimutang araw ng speed, precision, at excitement.

Ang R33 Drift Track sa tuwina’y tagpuan ng mga local car meets at motorsports relates events. Kaya naman ang kanilang kontribusyon sa automotive culture ay nakatutulong sa paglago ng komunidad. Kaya sa pagkakataong ito, ang R33 Drift Track ay magsisilbing playground hindi lamang ng finest local drifters maging ng international pro drifters mula sa mga kalapit bansa. Ang DI Grand Prix sa R33 Drift Track ay naging pinakamalaking stage para sa mga local drifting community para ma-showcase ang kanilang talents para sa heavy line-up ng pro-drifter competitors all over Southeast Asia. 

At hindi dapat palampasin ang weekend entertainment dahil na rin sa line up ng mga DJ. Panoorin ang live performance ng Greyhoundz, Rob Henley, Toro, DJ Reiz at Uncle B habang ine-enjoy ang drifting actions. Marami ring mga papremyo ang naghihintay sa mga magtutungo at manonood.

Kaya ‘wag kalimutan sa Dec 2-3 halina’t pakinggan ang mga makapigil-hiningang action mula sa mga naggagandahang sasakyan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …