Sunday , December 22 2024

May kasong hit-and-run 
PNP OFFICIAL NAGPAPUTOK NG BARIL SA RESTOBAR

112723 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan

KAHIT nahaharap sa kasong hit-and run ang sinibak na dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD), ay nakuha pang ‘dagdagan’ ng patong-patong na asunto matapos magpaputok ng baril sa harap ng isang restobar sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Redrico Maranan, kinilala ang police official na si P/Lt. Col. Mark Julio Abong, 40 anyos, dating hepe ng CIDU- QCPD, at kasalukuyang nakatalaga sa Legal Service ng Philippine National Police (PNP), residente sa C4, Mauban, Manresa, Quezon City.

Sa report ng Kamuning Police Station (QCPD-PS 10), bandang 1:00 am kahapon, 26 Nobyembre, nang maganap ang insidente sa harap ng Ralyoz Drinkery Lounge Bar na matatagpuan sa kanto ng Sct. Rallos at Sct. Tobias streets, Bgy. Laging Handa, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Cliff Richard Delos Santos, inireklamo si Col. Abong ng store manager ng restobar na si Lyn Pineda matapos ang dalawang beses na pagpapaputok ng baril sa harap ng kanilang establisimiyento.

Sa imbestigasyon, dumating umano si Abong sa bar na nakasuot ng pink na sando shirt at tinawag ang waiter na si Joseph Matuguina. Paglapit ng waiter, hinatak ni Abong ang necktie nito na halos masakal habang nakamasid ang mga kasamahang lalaki na ‘di binanggit ang pangalan,  saka inutusan na tawagin ang manager ng bar na si Pineda sa hindi malamang dahilan.

Nang makaalis ang waiter, lumabas ng bar si Abong kasabay ng paglabas din ng manager na si Pineda at nakita ang pagpapaputok ng baril ni Abong.

Ayon kay PMaj. Don Don Llapitan, hepe ng QCPD – CIDU, kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDU si Abong habang inihahanda ang kasong Alarms and Scandals, paglabag sa Omnibus Election Code na may kaugnayan sa RA 10591, Physical Injury at Slander by Deed.

Magugunitang sinibak si Abong ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) bilang hepe ng CIDU at pinatawan din ng 60-araw suspensiyon si P/Col. Alexander Barredo, P/Cpl. Joan Vicente, at P/SMSgt. Jose Soriano habang pinawalang-sala ang siyam na pulis na cover-up ng nangyaring hit-and-run na kinasangkutan ng una.

Nag-ugat ang desisyon sa reklamong inihain ng mga kapatid ng tricycle driver na si Joel Laroa, na namatay sa isang insidente ng hit-and-run sa kahabaan ng Anonas street noong 6 Agosto 2022.

Nabatid na minamaneho ni Abong ang kanyang itim na Ford Ranger nang mabangga nito ang tricycle na minamaneho ni Laroa.

Tumakas si Abong sa pinangyarihan ng insidente at sa tulong ng ilang pulis, pinalabas na driver nito ang nagmamaneho ng sasakyan nang mangyari ang insidente.

Hanggang sa kasalukuyan ay ipinoproseso ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang dismissal order laban kay Abong.

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …