Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Pedro Penduko

James mas bagay maging Penduko

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN kung bakit ngayon namang natapos na ni Matteo Guidicelli ang isang pelikulang dapat sanang ginawa ni James Reid noong araw. Ngayon sinasabi naman nila na mukhang mas ok nga raw kung ginawa na iyon ni James noong araw. May nagsasabing mukha raw mas pogi pa rin at mas sexy si James, bukod nga sa katotohanang mas sumikat naman iyon bilang matinee idol kaysa kay Matteo.Ok din naman si Matteo, pero ewan kung bakit sinasabi nilang mukhang mas ok si James.

Si James naman, mukhang hindi na importante ang pelikula, gusto niyang mag-concentrate sa music na inaakala niyang mas may kinabukasan siya. Iyon ang feeling niya eh, mas may potential siya sa music industry, kaya tinalikuran na niya ang acting at doon siya nag-concentrate, at sa pangarap niyang maging artists manager. Sa palagay naman namin talagang makakaya iyon ni James, masyado nga lang siyang nagmadali. Kung naghintay siya ng ilang panahon pa bago siya nagsolo ng trabaho, baka mas may napuntahan pa ang kanyang effort.

Hindi naman sa pinangungunahan namin siya pero sa palagay namin ay mali ang timing niya sa pag-volt out sa dati niyang mga producer. Mas mataas pa sana ang kanyang maaabot, na ibig sabihin mas matibay siya sa mga makahaharap niyang pagsubok sa kanyang pagsasariling lakad, ewan kung bakit nga ba naisip niyang magsarili agad.

Mali rin ang mga projection niya eh. Noong una, inaasahan niyang sasama sa kanya si Nadine Lustrena tinangka naman niyon, pero hindi nga nakalusot dahil sa napirmahan niyang kontrata sa Viva. Dapat pinag-aralan muna nila ang kanilang sitwasyon bago gumawa ng ganoong desisyon.

Kami man naniniwala rin na siguro nga kung si James ang bida sa pelikula, mas magiging malakas ang batak niyon sa takilya kaysa sitwasyon ni Matteo.

Noong araw, malakas din naman si Matteo, pero dahil sa may pamilya na rin naman siya, parang nabawasan na ang batak niya sa fans.

Sana nga maging ok naman ang pelikula ni Matteo dahil kung hindi ipipilit ng mga tao na mas ok iyon kung si James ang natuloy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …