Tuesday , April 1 2025
Bong Nebrija Bong Revilla

Sa Senado
Bong R. vs Bong N. sa traffic violations

NAGHARAP sina Senador Ramon Revilla, Jr., at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Officer, Bong Nebrija kasama si Officer-In- Charge (OIC) Don Artes sa Senado matapos masangkot ang pangalan ng mambabatas sa isang sasakyang dumaan sa EDSA bus lane na lubhang ipinagbabawal.

Halos pagalitan ni Revilla si Nebrija sa maling paratang at pahayag laban sa kanya, at pagkaladkad sa kanyang pangalan sa nasabing akusasyon.

Ayon kay Revilla, bugbog na siya sa maling paratang, pero kahit saan siya pumunta, doon lamang siya sa katotohanan.

Ayon kay Revilla, nagpasalamat siya dahil napigilan niya ang kanyang sarili sa sobrang galit kay Nebrija nang idawit sa pangalan niya ang traffic violations.

Sa paghaharap, personal na humingi ng paumanhin si Nebrija kay Revilla kasunod ng pag-ako sa lahat ng ‘kasalanan.’

Aminado si Nebrija, naniwala siya sa sinabi ng isa sa mga traffic enforcer ng MMDA, ngunit tumanggi siyang pangalanan bagkus ay aakuin niya ang lahat ng pagkakamali.

Humingi ng paumanhin sa publiko si Nebrija sa naturang insidente.

Hiniling ni Revilla sa MMDA na hulihin at tiketan ang lahat ng lumalabag sa batas trapiko.

Kaugnay nito, tiniyak ni Artes na sususpendehin si Nebrija hanggang lumabas ang resulta ng imbestigasyon ng MMDA.

Maging si Artes ay aminadong nalulungkot sa mga nagaganap na name dropping sa ilang mga nahuhuli ngunit tinitiyak ng titiketan nila ang mga lalabag sa batas trapiko.  (NIÑO ACLAN)  

About Niño Aclan

Check Also

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

SINIPAT ng TRABAHO Partylist sa Navotas City ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa mga latahan …

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) …

Cajayon-Uy nanguna sa Caloocan 2nd district congressional survey — SWS

Cajayon-Uy nanguna sa Caloocan 2nd district congressional survey — SWS

MAYORYA ng mga botante ay iboboto si Mitch Cajayon-Uy, incumbent re-electionist ng 2nd District Representative …

Carlo Aguilar Cynthia Villar

Nagsimula na ng kampanya  
‘Bagong Las Piñas’ pangako ni Carlo Aguilar

LAS PIÑAS CITY – Opisyal nang sinimulan ni mayoral candidate Carlo Aguilar ang kanyang kampanya …

4 patay sa 7.7 magnitude lindol sa Myanmar Bangkok, Hanoi nataranta

4 patay sa 7.7 magnitude lindol sa Myanmar
Bangkok, Hanoi nataranta

BANGKOK – Isang malakas na lindol ang naranasan ng Myanmar at ng kalapit bansang Thailand …