Monday , December 23 2024
Philippines money

8-point socio-eco agenda pasok sa 2024 nat’l budget 

TINIYAK ni Senate committee on finance chairman, Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, patuloy na maipapatupad ang 8-point socio-economic agenda ng administrasyong Marcos at iba pang strategic goals para sa ikauunlad ng Filipinas sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Pagdating sa food security, sinabi ng senador na naglaan ng P107.75 bilyong pondo para sa banner programs ng Department of Agriculture (DA) kasama ang patuloy na pagbibigay ng fuel assistance sninoza mga mangingisda at magsasaka.

Umaasa aniya ang mambabatas na makatutulong ang pondong ito para magampanan ni bagong DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ang kanyang mandato.

Para sa sektor ng transportasyon, ibinahagi ni Angara na maglalaan ng pondo para sa fuel subsidy ng mga public utility vehicles (PUVs) drivers at sa pagpapatuloy ng service contracting program.

Sa sektor ng edukasyon, dinagdagan ng Senado ang pondo para sa Department of Education (DepEd) at sa mga attached agencies nito ng P3.5 bilyon para sa kabuuang pondo na P718.08-B, gayondin sa Commission on Higher Education (CHED), sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA )at sa iba’t ibang state universities and colleges (SUCs).

Sa sektor ng kalusugan, nagdagdag ng P125 milyon para sa programang ‘doktor para sa bayan’ at sa mga healthcare facilities sa buong bansa.

Tinitiyak ni Angara, ang panukalang pambansang pondo ay ipagpapatuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan nating kababayan.

Habang para sa Defense sector ay inirerekomenda ng senador ang dagdag na pondo para sa pagpapanatili ng ating national security, territorial defense, at pagtataguyod ng ating soberanya at sa pagsugpo sa cybercrime na talamak ngayong nangyayari sa bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …