Monday , December 23 2024
Sa Pampanga at Bulacan ‘Big time’ tulak, 3 pa, timbog sa P3.4-M shabu

Sa Pampanga at Bulacan  
‘Big time’ tulak, 3 pa, timbog sa P3.4-M shabu

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang ‘big time’ na tulak ng droga at ang kanyang tatlong kasabuwat na nakompiskahan ng tinatayang P3,400,000 halaga ng hinihinalang shabu matapos ikasa ng mga awtoridad ang drug entrapment operation sa open parking area ng isang mall sa lungsod ng Dasmariñas, lalawigan ng Cavite, nitong Martes, 7 Nobyembre.

Kinilala ang mga suspek na sina Hedwig Ramos, alyas Jake, 40 anyos, residente sa Pampanga; Ryan Comerciante alyas Victor, 43 anyos, residente sa Sta. Maria, Bulacan; Mark Angelo Marasigan, 36 anyos, residente sa Biñan, Laguna; at Lester Ramos, 37 anyos, residente sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa operating team, si Ramos, na pangunahing target ng operasyon, ay sangkot sa bultuhang pamamahagi ng shabu sa lungsod ng San Fernando at mga kalapit na bayan sa Pampanga at maging sa Bulacan kung saan ang isa sa naaresto ay residente sa lalawigan.

“We were able to secure a drug deal with Ramos for the purchase of 500 grams of shabu and agreed to meet in San Fernando, Pampanga. Inaresto sila sa isang mall parking lot sa Dasmariñas City,” dagdag ng team leader.

Narekober ang limang nakabuhol na transparent plastic bag na naglalaman ng halos 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000; at marked money na ginamit sa operasyong isinagawa ng pinagsamang elemento ng PDEA Pampanga Provincial Office at PDEA Calabarzon.

Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26B (conspiracy to sell) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa isasampa sa korte laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …