Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Sa kampanya ng Bulacan PNP vs krimen
5 LAW OFFENDERS TIKLO

ARESTADO ang limang indibidwal na sinabing lumabag sa batas sa ikinasang kampanya kontra kriminalidad ng Bulacan PNP, nitong Sabado, 4 Nobyembre.

Batay sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng Pulilan at Angat MPS na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang drug suspects.

Nakompiska mula sa mga suspek ang kabuuang pitong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 10.82 gramo at nagkakahalaga ng P73,584, at buybust money.

Dinala ang mga naarestong suspek at ang mga nakompiskang ilegal na droga sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda na ang mga kasong kriminal na isasampa laban sa mga suspek.

Samantala, sa isinagawang manhunt operation ng tracker team ng Sta. Maria MPS, dinakip ang dalawang wanted persons sa bisa ng Warrant of Arrest.

Gayondin, nasakote ang isang 22-anyos babae sa Brgy. Ang Santo Rosario, Paombong ng mga tauhan ng Paombong MPS sa kasong pagnanakaw matapos nitong puwersahang pasukin isang bahay at tangayin ang isang pulseras, dalawang piraso ng alahas, at P2,000 cash.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting police station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Pahayag ni P/Col. Arnedo, ang Bulacan PNP ay nakatuon sa pagpapanatiling ligtas laban sa mga krimen ang komunidad at sila ang may kakayahang pigilan ang mga indibidwal na nag-uudyok ng takot at gumagamit ng karahasan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …