Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

Nag-amok na sekyu, most wanted pusakal nasakote sa Bulacan

NAHIMASMASAN sa kalasingan ang isang security guard na nagwala at nagpaputok ng baril sa isang ospital nang dakpin ng pulisya sa Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Bulacan PPO Director, ang 40-anyos arestadong security guard ay naghasik ng sindak sa Malolos Maternity Hospital sa Brgy. Sumapang

Matanda, Malolos City.

Napag-alaman, dakong 10:30 pm, ang suspek kasama ang pamangkin ay nagpumilit pumasok sa nabanggit na ospital pero pinigilan ng nakatalagang security guard dahil susuray-suray sa kalasingan.

Dito na nag-alboroto ang lasing na sekyu at nagwala kasunod nito’y nagpaputok ng baril na ikinatakot ng mga tao sa ospital saka mabilis na tumakas sa lugar.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, kaagad naaresto ang suspek na nakompiskahan ng isang kalibre 9mm na kargado ng mga bala.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang naghihintay ng multiple law infractions kabilang ang paglabag sa umiiral na Omnibus Election Code.

Samantala, ang warrant officers ng Balagtas MPS ay nagsilbi ng warrant order laban sa isang Sherwin Sedutan, nakatala bilang most wanted person sa municipal level ng Balagtas.

Si Sedutan, kasalukuyang nasa kustodiya ng Balagtas BJMP ay akusado sa mga krimeng Theft at Acts of Lasciviousness. (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …