ISANG lalaki na sinasabing malaking tulak ng iligal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Magalang, Pampanga.
Sa ikinasang operasyon ay nakumpiska ng mga operatiba ng Magalang MPS sa suspek na kinilala bilang si alyas Magdangal, 39, ang may 60 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may standard drug price na PhP408,000.00.
Mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inihahanda na laban kay Magdangal sa korte.
Ayon kay PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr, na ang kapulisan ng Central Luzon ay nananatiling nakatuon sa kanilang misyon na puksain ang iligal na droga sa rehiyon at tangkilikin ang panuntunan ng batas. (Micka Bautista)