Friday , November 15 2024
nakaw burglar thief

Mercury drug store sa Fairview nilooban

MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang iniulat na nakawan sa loob ng isang kilalang botika sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga. 

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station (PS-5), bandang 5:10 am kahapon, 1 Oktubre, nang madiskubre ang nakawan sa Mercury Drug sa Commonwealth Ave., North Bound, Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon nina P/Cpl. Romnick Labuguen at P/MSgt. Arnel Campos, nadiskubre ng assistant manager na si Lorna Magadan at cashier na si Mary Allen Paranall na puwersahang binuksan ang vault ng botika at nawawala ang hindi pa matukoy na halaga ng cash.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa pa ng imbentaryo ang mga nangagasiwa sa drug store upang malaman kung bukod sa pera ay may nasikwat pang ibang commodities.

Inaalam ng pulisya kung may naganap na inside job sa nasabing nakawan sa nasabing botika. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …