Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jak Roberto  Barbie Forteza David Licauco

David pang-TV lang, Jak pang-puso ni Barbie

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON si David Licauco na ang nagsabi. Mataas ang kanyang respeto kay Jak Roberto kaya hindi niya magagawang agawin ang girlfriend niyong si Barbie Forteza. At saka gawin man niya iyon, papatol ba si Barbie? Palagay namin hindi eh, at kundi nga lang pinagsabihan iyan ng network na dumistansiya kay Jak dahil sa binubuong love team nila ni David, ewan kung pansinin siya niyan.

Si Jak ang dinadala ni Barbie sa kanilang tahanan at ipinakikilalang syota sa kanyang pamilya. Noong mag-ground  breaking si Jak para sa kanyang future home, walang ibang bisitang naroroon kundi si Barbie. 

Basta may puwang sa schedule para magbakasyon, si Jak ang kasama ni Barbie, kaya maliwanag na iyang Barda o Bardagul ba iyan ay love team lamang sa telebisyon. 

Huwag kayong umasang may mangyayari riyan. Kung ipipilit iyan ng network, malamang tanggihan pa ni Barbie ang mga proyektong iniaalok sa kanya. Malaking kawalan iyan sa GMA 7 dahil isa sa pinaka-malakas nilang star si Barbie. Huwag na kayong umasa pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …