Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P6.6-M PDAF ibinili ng Jollibee foods (Mayorya niresbakan ni Jinggoy)

IBINUNYAG ni Senador Jinggoy Estrada na nakapagtataka kung bakit ginastos ang bahagi ng pork barrel ni Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales sa pagbili lamang ng Jollibee products.

Ayon kay Estrada, lubhang nakapagtataka na pati ang Jollibee ay napasok sa PDAF gayong ito ay dapat na gastusin sa mga proyekto na pakikinabangan ng taong bayan.

Ibinulgar din ni Estrada ang ilan pang mga maanomalyang transaksyon na pinasukan ng pork barrel ni Gonzales.

Ito rin ang nakikitang dahilan ni Estrada kung bakit ayaw ni Gonzales na ma-abolish ang pork barrel ng mga mambabatas dahil sa mga transaksiyong pinaglagakan ng kanyang pork barrel.

Itinuturing ni Estrada na isang teleserye lamang ang ginawang CoA report na inilako aniya ni CoA Chairwoman Grace Pulido Tan sa miyembro ng mga media.

Kaugnay nito, niresbakan din ni Estrada ang kapwa niya mga senador ukol sa isyu ng bilyong pisong pork barrel scam na kabilang siya sa sinampahan ng kaso sa Ombudsman.

Kabilang sa mga  niresbakan ni Estrada sina Senador Teofisto Guingona III, Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, Francis “Kiko” Pangilinan, Senadora Miriam Defensor Santiago, dating senador Francis “Kiko” Pangilinan, at Manny Villar gayondin si Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales. Ayon kay Estrada nagtataka siya kung bakit  hindi  man  lamang inimbestigahan ni Guingona na chairman ng Blue Ribbon Committee, ang mga nabanggit.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …