Friday , November 22 2024

DoLE official sa sex-for-flight swak sa rape

Pinakakasuhan na ng National Bureau of Investigation  ng mga reklamong  kriminal ang opisyal ng Department of Labor and Employment na sangkot sa sex-for-flight scheme.

Sa final report ng NBI, inirekomenda na maipagharap ng reklamong attempted rape at tatlong bilang ng reklamong “abuses against chastity” ang isang Assistant Labor Attache na naka-assign sa Embahada ng Pilipinas sa Middle East.

Dahil sa ginawang sexual harassment sa tatlong distressed female overseas Filipino workers (OFWs) na humingi ng saklolo sa Embahada.

Inirekomenda rin ng kawanihan na maipagharap ng reklamong attempted rape at abuse against chastity ang isang local hire na nagsilbing driver ng labor attache.

Nag-ugat ang imbestigasyon  ng  NBI  sa  nabunyag na sex-for-flight scheme na ang mga OFW na humihingi ng tulong sa ating Embahada sa Middle East ay sekswal na inaabuso kapalit ng pagkakaloob ng official assistance kabilang na ang pagproseso sa kanilang mga travel document at  pagbibigay ng tiket sa eroplano pauwi sa Filipinas.

Bukod sa reklamong kriminal, inirekomenda rin ng NBI ang paghahain ng administrative charges sa nasabing Assistant Labor Attache na inaakusahan ng panggagahasa, gayondin ang Labor Attache na kumuha ng serbisyo ng inirereklamong driver.

Ang pinal na ulat ng NBI ay naisumite kay Prosecutor General Claro Arellano para maisalang ang nasabing mga opisyal sa preliminary investigation.

Isinumite rin ang ulat kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz para sa kaukulang aksyon sa aspeto ng administrative charges.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *