Monday , December 23 2024
Oil Price Hike

Fuel subsidy sa drivers dapat nang ipamahagi

PINAMAMADALI ni Senadora Grace Poe ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga driver ng pampublikong mga sasakyan.

Ayon kay Poe, lubha niyang nauunawaan na dagdag-pasakit sa mga driver at operator ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ngunit aniya kung tataasan naman ang pasahe, magiging pahirap din ito sa mga pasahero.

Tanong ni Poe, kaya ba ng mga pasaherong saluhin ang pagtaas ng pasahe kahit katataas lang ng minimum fare noong nakaraang taon?

Bukod dito, sinabi ini Poe na dapat mag-isip ang Department of Transportation (DOTr) at LTFRB ng iba pang alternatibong paraan para matulungan ang sektor ng PUV at mga pasahero lalo na’t ang isyu ay provisional kaya dapat ang pamahalaan ay makaisip din ng remedyo.

Tinukoy ni Poe, inilatag na sa 2023 budget ang P3 bilyong fuel subsidy na hindi pa rin nagagamit kahit halos matatapos na ang taon.

Iginiit ni Poe, dapat ay agarang magpalabas ang DOTr ng isang memorandum circulars at agarang ipatupad ang isang memorandum of agreement na tumtukoy sa pamamahagi ng matagal nang naantalang fuel subsidy.

Muling nanawagan si Poe sa Executive Department partikular sa Department of Finance ang agarang pagsuspende sa excise tax para sa mga produktong petrolyo hanggang maging stabilize na ang presyo nito.

Tiniyak ni Poe, hindi siya susuko sa patuloy na paghahain nito sa kongreso hanggang isang araw ay malagdaan ito.

Idinagdag ng senadora na dapat ay pangunahing sandalan ng mga tsuper ang gobyerno tuwing may pagtaas sa presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …