Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dahil Sa ‘Yo AllTV

Dahil Sa ‘Yo hahataw ngayon gabi sa AllTV

TIYAK na marami ang makare-relate sa kuwento ng isang dalagita na nangako sa isang ‘dying mother’ na aarugain ang tin-edyer nitong anak sa isang mayamang Chinese businessman, na mayroong ibang asawa.

Iyan ang kuwento ng Dahil Sa ‘Yo na iikot sa struggle ng pag-aaruga sa kaugnay na mga usapin sa kayamanan, mana, na hinaluan ng pagtataksil at kasinungalingan, hanggang sa sakripisyo at pagmamahal.

Pinoy na Pinoy. Very relatable at kahit ang setting pa ay old Chinese culture and tradition, mae-engganyo kayong sumubaybay dahil sa tema ng pag-ibig at sakripisyo,” kuwento ng mga taga-Regents Food Corp., na silang nagdala ng C-drama o Chineseryeng Dahil Sa ‘Yo sa bansa.

Sa pakikipag-tulungan sa AMBS Network na AllTV, binusisi ng parehong mga kompanya ang mga isyu sa teknikal, editing, at pagkuha ng mga voice talent para mas maihain sa Pinoy televiewers and wastong sangkap at emosyon ng C-drama.

Gabi-gabi ninyong mapapanood sa All TV Channel 2 sa free TV, channel 35 sa SKY cable at Cignal, at kung mga digital boxes ang gamit ninyo gaya ng ABS-CBN TV plus, Affordabox at Sulitbox, nasa channel 31.4 DDT ito. (Ambet Nabus)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …