Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mikoy Morales Barbie Forteza David Licauco Juancho Triviño

Mikoy ‘posibleng masapawan si David 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKATUTUWANG kausap si Mikoy Morales dahil no holds barred kumbaga ang mga sagot nito.

Hindi naman siya nagpapa-bibo pero sa talas niyang mag-isip, bibong-bibo ang aura ng committed artist na napaka-natural magpatawa.

May dalawang movies na kasali sa Cinemalaya 2023 si Mikoy. Nandiyan ang Rookie na ang role niya ay anti-thesis ng mga bidang babae na nakasentro sa larong volleyball.

Then, mayroon siyang Tether, na rambulang love story ang peg kaya’t may mga eksena siya at katambal na si Jorybelle Agoto na seksing horror. This August 4-13 ang Cinemalaya sa CCP theater.

Excited si Mikoy na mapanood ng buo ang dalawang entries niya. Hindi dahil sa nag-pi-feeling Dolly de Leonsiya (tawag sa mga committed artists na sumikat internationally), kundi gusto niyang ma-feel na tama ang mga desisyon niya sa kanyang career.

Kasama si Mikoy sa series na Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco. Siya ang gaganap na sidekick ni David (dating role ni Dennis Padilla sa movie version) at hindi kami magugulat kung masapawan man niya si David sa mga eksena nila hahaha

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …