Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Parents

Netizen sa Maine clone nalipasan ng gutom

HATAWAN
ni Ed de Leon

ITO talaga kung makikita ko lang ito hahatawin ko na eh. Ang ikinakalat, ang pinakasalan daw ni Arjo Ataydenoong kasagsagan ng bagyong Egay sa Baguio ay isang clone o look alike lang ni Maine Mendoza. Kasi raw si Maine ay ikinasal na kay Alden Richards three years ago pa, at hindi na lumalabas ngayon at nag-aalaga ng tatlo nilang anak. Ang sinasabi nilang reliable source nila ay si Aling Mila ng Aldub Nation.

Alam naming sa ngayon ay mahirap ang buhay, patuloy na nagmamahal ang bigas, ang presyo ng isda at gulay ay tumaas pa dahil sa bagyo at sa smuggling at hoarding ng mga mapagsamantalang negosyante pero kahit na paano ay kakain naman kayo. Huwag kayong magpapalipas ng gutom. Basta ang isang tao nalilipasan ng gutom ganyan nga, kung ano-ano naiisip. 

Isipin ninyo clone lang daw ni Miaine ang pinakasalan ni Arjo, at iyong tunay na Maine nag-aalaga ng tatlong anak nila ni Alden. Papasok ba iyan sa isipan nila kung hindi

napaglilipasan ng gutom? O hindi kaya naka-shabu iyang mga nag-uusap ng ganyan. Kayo rin, baka mawala na lang kayo at matagpuan lulutang-lutang na lang sa loob ng septic tank.

Ewan kung sino ang natutuwa sa ganyang mga ilusyon nila. Maging makatotohanan naman tayo. Ano kayang gamot ang maipapayo ni Doc Willie Ong sa mga ganyang tao? Hindi ba kung paniniwalaan mo ang nakalagay sa social media siya ang doktor Na nakaaalam ng lahat ng gamot sa sakit ng tao? Baka may alam siyang gamot o gatas na maaari ring ipainom sa mga ganyan ang pag-iisip para gumaling sa loob ng

dalawang linggo. O kaya paliguan iyan ng Krystal Herbal Oil ni Fely Guy Ong para magsauli ang matinong pag-iisip.

Kami mismo gumagamit kami niyong Krystal Herbal Oil sa mga pananakit ng katawan, mabisa iyon. Hindi ba Miss Glo

Iba talaga ang takbo ng utak ng fans ngayon, pagbibintangan pa iyong tao na may tatlo nang anak, eh kakakasal pa lang noong isang araw. Maski nga si Alden binati ang “clone” ni Maine at sinabing masaya siya dahil natagpuan na niyon ang isang tunay na

magmamahal sa kanya si Arjo, at walang sinabi si Alden na, “ang original nasa akin.”

Pakihanap nga po iyang Aling Mila kung sino man siya at mairekomendang makatanggap ng ayuda mula sa Pantawid ng Pamilyang Pilipino, para hindi naman siya napaglilipasan ng gutom at nagkakaroon ng kung ano-anong ilusyon, isama na rin natin ang mga naniniwala sa kanya. Tapos ilapit na rin natin kay Sen. Raffy Tulfo, may mga kilala siyang rehab. Siya ang nagbabayad sa rehab basta pumayag lang ang tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …