NAGWAKAS na ang hit na serye ng Puregold Channel ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa isang season finale na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay. Nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng serye.
Ito na nga ang hinahangad na ‘happily ever after’ ng mga tapat na tagasunod ng ALSLNP, ilang taon na ang nakalipas mula noong nagpasya ang dalawa na lumayo at hanapin ang sarili, at ang kanya-kanyang pag-unlad.
Ipinakita rin ng finale ang pagwawakas sa iba pang aspelto gaya ng pagkakaibigan–nina Genski (Kat Galang) at Ketch (Migs Almendras). Nasaksihan din ng fans kung ano ang nangyari sa buhay ng nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez), at kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama).
May pasilip din sa kinahantungan ng mga karera nina Bryce at Angge. Sumatotal, nagpamalas ng napakaraming aral ang ALSLNP sa mga realidad ng buhay, na damang-dama ng mga manonood.
Katulad ng nakaraang YouTube serye ng Puregold Channel na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, at ang premyadong Tiktok serye na 52 Weeks, tagumpay ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile dahil sa pagbibigay nito ng aliw sa 219,000 subscribers, pati na rin sa mga manonood sa iba pang platform.
Sa mga numero, kita rin ang tagumpay na ito ng ALSNP. Sa YouTube lamang ang views ng episodes ay mula 150,000 hanggang 300,000. Sa mga trailer naman, mayroong 190,000 hanggang 270,000 views.
Dahil sa tuwa ng mga fan, inihahayag nila ang mga naiisip at nararamdaman sa mga komento, na puno ng mga puri at paghanga sa bawat episode.
“Isang panalo para sa retailtainment ng Puregold itong ‘ALSLNP’,” ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, ang Marketing Manager ng Puregold, “Masaya kami na lumikha ng kuwentong ipinakikita ang kultura at pinahahalagahan ng mga Filipino gayundin ang mga napapanahong isyu.”
Hindi rin mapigil ng mga fan na ibahagi ang kanilang pagkasabik sa huling episode:
Sabi ni @easterlizaborcelis, “Grabeng ganda. Lagi akong nakaabang sa episode nito. More please.”
“Naaliw ako sa series na ito. More projects for these actors and actresses. Sarap din minsan makanapanood ng light lang na drama, may comedy pa,” dagdag ni @pril0413.
Hinikayat naman ni @danicatresvalles6461 ang Puregold na lumikha pa ng ganitong mga kuwento. “More pa sanang ganito, please, Puregold. The best ka!”
Kontento naman si @bricemendez6401 sa pagtatapos ng serye. “Nagustuhan ko talaga ito. Husay, lahat panalo! Para sa akin bu-solve na ako rito, hindi bitin, hindi na kailangan ng season 2. Naipasok na lahat ng sustansya’t aral dito sa series na ito. Pero sana magkaroon ulit ng Yukii-Wilbert projects.”
Sa kabilang banda, umaasa si @grandesorellavlog4582 na may ikalawang season pa. “Wah! Thanks Ninang Puregold. I love it. I hope may Season 2 for them. This story has a lesson for everyone na you have to be brave and take a risk to [express] your feelings to the person that is special [in] your life, so that you will have no regrets in life.”
Sinabi naman ni Piedad sa fans ng ALSLNP at tagasubaybay ng Puregold Channel: “Nangangako kami sa Puregold na magsisilbi sa mga suki sa pinakamahusay na paraan. Nagbibigay kami hindi lamang ng dakalidad na produkto, kung hindi pati na rin content na nagbibigay-saya at inspirasyon. Mag-subscribe lamang at abangan ang iba pang magagandang kuwento!”
Maaari pang makibahagi sa fandom ng ALSLNP at mapanood ang nakaraang mga episode, na nakatampok sa opisyal na Puregold YouTube Channel. Sa mga hindi pa nakapapanood ng huling episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, maaari ring panoorin ang finale sa YouTube.