Monday , December 23 2024
Bongbong Marcos Imee Marcos

Marcos sibs ‘nagkagulatan’ nang magkita sa SONA

KITANG-KITA ang pagkagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.,  sa kanyang super ate na si Senadora Imee Marcos sa pagsalubong sa kanya sa kongreso para dumalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Halos hindi agad nakilala ni Marcos ang kanyang ‘super ate’ sa kasuotang Cordillera.

Ayon kay Senadora Marcos, bilang isang Lagunawa o Anak ng Kalinga mas pinili niya ang kanyang naturang kasuutan bilang pagpupugay sa makulay na kultura ng mga katribu.

Tinukoy ni Marcos, ang kanyang suot ay personal na ibinigay sa kanya ng mga Igorot matapos niyang dalawin at suportahan ang kanilang Gulay Revolution.

Binigyang-linaw ni Marcos, maging ang kanyang mga tattoo sa katawan ay mayroong kahulugan partikular ang araw at buwan na sumisimbolo sa kanyang walang sawang pagseserbisyo at dedikasyon  sa pagtulong sa mga tao.

Samantala, ang tattoo na tuko sa kanyang braso ay sumisimbolo ng patuloy na pagbabago ng bawat isa at pagkakaroon ng imortal na paninindigan at kahalagahan sa lipunan.

Bukod kay Senadora Imee, sumalubong din sa Pangulo sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senadora Grace Poe, at Cynthia Villar.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …