Monday , December 23 2024

Ilang bayan sa Bulacan nakalubog pa rin…
ISANG TAONG GULANG NA BATA NALUNOD SA BAHA

Isang-taong gulang na bata ang nasawi matapos malunod sa malawakang baha sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Ayon sa ulat, naiwang natutulog ang bata na hindi na pinangalanan sa tabi ng kanyang ama nang pasukin ng baha ang kanilang bahay.

Dahil mahimbing ang pagkakatulog ay hindi umano naramdaman ng ama na nasa panganib na ng mga oras na iyon ang kanyang anak.

Napag-alamang pagbalik ng ina ay dito na niya nakitang nakalutang na sa tubig-baha ang walang buhay na anak.

Kaugnay ng insidenteng ito ay balot pa rin ng pangamba ang mga residente dahil malalim ang baha sa ilang bahagi ng Calumpit, Bulacan kung saan bangka na ang kanilang sinasakyan.

Sa bayan ng Hagonoy ay pinagsamang ulan at high tide sa Manila Bay ang dahilan ng hindi pa humuhupang baha kaya apektado na nito ang kabuhayan ng mga residente.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …