HATAWAN
ni Ed de Leon
AKALA nga siguro ng GMA, mababantilawan kahit na paano ang pagsisimula ng TVJ sa TV5 kung kukunin nila ang It’s Showtime na siyang kalaban ng E.A.T.. Noon hindi umubra ang Showtime sa TVJ pero naisip nga nila siguro na kung nasa TV5 lang ang TVJ, baka matalo nila. Kaso hindi eh, mas tumaas pa ang ratings ng TVJ nang lumipat sa TV5.
Isipin ninyo, nakakuha ang TVJ ng 8.4% sa TV5, at mas mataas iyan sa karaniwang ratings nila noong nasa GMA7 pa sila.
Una, siguro nga nanabik ang fans dahil isang buwang nawala ang TVJ at ang mga Dabarkads sa free tv bago sila ngsimula sa TV. Ikalawa, ganti nila iyon dahil sa pagkainis nila sa fake na Eat Bulaga na nasa GMA 7. Itiwarik mo man ang tv hindi Eat Buloga iyong sina Betong, Buboy, at Paolo Contis. Kung ini-revive nila iyong chibugan kaysa ginamit ang Eat Bulaga baka may pag-asa pa sila. Nagpilit sila eh. Kung ang TVJ ay isang restoran, paresan lang sila sa kariton, walang laban iyon. Iyon namang Showtime, palabas na kasi sa GTV. Mayroon pa sa Zoe TV, mayroon pa sa cable, mayroon pa sa internet.
Hindi sa nahati lang ang audience nila, wala silang ratings. Pero may naniniwala na gimmick nga iyon, dahil kahit na bagsak ang kanilang ratings, masasabi nilang marami ang nanonood sa kanila, nahahati nga lang. Pero sa one on one, wala rin iyan sa TVJ. Iyong pumupuri sa TVJ hindi mo mapagkakamalang bayaran eh. Iyong pumupuri sa kanila masyadong halata.
Ang GMA walang ganyan, kuripot iyon eh, pero ang ABS-CBN may troll farm talaga iyan kahit wala na silang prangkisa. Ginagamit din kasi nila ang mga troll para patuloy na sisihin ang gobyerno sa nawala nilang prangkisa.
At isipin ninyo ang lakas ng utak ng TVJ. Sumikat lang ang remake ng Voltes 5, nagkaroon naman sila ng mga machong nagsasayaw na tinawag nilang ‘Vortas 5.’ Samantalang iyong Eat Bulaga ng mga Jalosjos pilit na ginagaya ang games ng Eat Bulaga noong panahon pa ng TVJ, pinalitan lang ng pangalan ang segment. Sino nga ba ang manonood niyan, lalo na kung ang makikita mo sina Betong at Buboy. Iyong ‘Sugod Bahay’ ginawa lang nila sa gedli. Iyong ‘Pinoy Henyo’ pinalitan lang nila ng kaunti. Tapos iyong kanilang mga box, kuha sa bayong ni Willie Revillame.
Iyon pa, hindi nila nakuha si Willie kahit na guest lang na pambulabog sa TVJ. Ang sinasabi ni Willie, hindi niya sisirain ang respeto niya sa TVJ lalo na nga at maliit lang naman ang kikitain niya.