TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino” na mapananagot si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nuri Misuari sa kaguluhan sa Zamboanga City.
Kamakalawa, bumalik na sa Metro Manila si Pa-ngulong Aquino matapos ang 10 araw na pagtutok sa operasyon ng government forces laban sa MNLF – Misuari group.
Sinabi ng Pangulong Aquino, may mga hawak silang testigo na direktang magdidiin kay Misuari sa nasabing pag-atake bagama’t hindi inaako ang responsibilidad.
Ayon sa Pangulo, puspusan din ang pagtatrabaho ng Department of Justice (DoJ) para makaka-lap ng dagdag na ebidensya.
Ilang prosecutors na rin aniya mula sa Metro Manila ang ipinadala ni Justice Sec. Leila de Lima sa Zamboanga City para tumulong sa prosekusyon.
“Meron tayong mga hawak na testigo, mga testigo, na nag-uugnay sa kanya sa kaguluhan dito nang diretsohan, at may kaso nang inihahanda ang DoJ, pati iyong prosecutors kaya pinadadagdagan ‘yung nandito at nag-i-interview sa hostages, amongst others, para makadagdag ng mga ebidensya, ano, para sa pag-uusig doon sa mga natira pang dapat usigin,” ani Pangulong Aquino. (ROSE NOVENARIO)