Monday , December 23 2024
Rodolfo Biazon Loren Legarda Ruffy Biazon

Biazon pinuri ng mga kapwa senador

NAGPUGAY ang Senado kay dating senador, congressman at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rodolfo Biazon sa idinaos na necrological service.

Pinangunahan ni Senate President Pro-Tempore Loren Legarda ang pagsalubong at pagtanggap sa labi ni Biazon na nagsilbing senador sa ilalim ng 9th Congress (1992-1995) at 11th Congress (1998-2010) at pumanaw noong araw ng Kalayaan (12 Hunyo) matapos ang pakikipagaban sa sakit na kanser, sa edad na 88 anyos.

Kabilang sa nagbigay ng eulogy kay Biazon ay sina dating Senador Joey Lina, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dating Senador Gregorio Honasan, at dating Senador Franklin Driilon, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada, Senador Robin Padilla, at Legarda.

Ginunita ng mga senador kung anong klaseng katrabaho si Biazon bilang isang mambabatas at ang kanilang hindi malillimutang karanasan sa namayapang senador.

Bukod dito, isinalarawan din ng mga senador kung anong klaseng lingkod bayan at isang dakilang ama at asawa si Biazon.

“With all that Sen. Pong Biazon has accomplished in this earthly life, it is undeniable that he is an inspirational man – his unwavering determination is unmatched. Sen. Biazon had achieved greatness despite the obstacles he faced throughout his life,” bahagi ng eulogy ni Sotto.

“Humility, simplicity and decorum, praising the late statesman for his “eagerness to learn new things” despite his numerous accomplishments,” ani Lina.

“Rodolfo Gaspar Biazon, Tatang, Manong Pong, walked the talk and showed by living example that when ordinary, imperfect men, together, dream, pray, work hard and sacrifice to build a strong, sovereign nation for the next generation, they all become heroes,” ani Honasan kasunod ng pagsaludo kay Biazon. 

“They say that old soldiers never die, they just fade away.  Pong, you may have physically left us, but your patriotism, your love for country, your dedication to public service will never fade away,” ani Drilon sa kanyang isang mabuting kaibigan.

“It is not quite enough to say that he wore many hats – as a marine, as a chief of the Armed Forces, as a congressman, as a senator. He didn’t just wear these hats, rather, he lived his entire life embodying the very essence of these roles and being a public servant par excellence,” pahayag ini Senate President Juan Miguel  Zubiri, kasalukuyang nasa opisyal na lakad sa Washington, D.C.

“He will always be one of the pillars of Philippine defense and security, who fought for peace and democracy. His selfless service and unwavering commitment to this cause make him stand out as an inspiration to many,” ani  Legarda.

“The true honor we can give this great man is to carry on his legacies, especially on issues close to his heart, like national defense and security, housing, good governance and education, among others,” ani Villanueva.

“He was a man of forceful character, possessing considerable insight and diplomatic skills.  Beyond the titles and the accolades, he was a true servant of the people,” ani Estrada.

Ibinahagi ni Padilla ang kanyang natutuhan bilang aktor mula kay Biazon, at ang naging kontribusyon ni Biazon para sa paghahatod ng kapayapaan sa Mindanao.

Kabilang sa dumalo sa necrological service  ay sina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, Senators Sonny Angara, Nancy Binay, Ronald “Bato” Dela Rosa, Joseph Victor “JV” Ejercito, Christopher Lawrence “Bong” Go, Risa Hontiveros, at Mark Villar, ganoon din sina dating senador  Anna Dominique “Nikki” Coseteng, Richard Gordon, Ramon B. Magsaysay, Jr., Orly Mercado, Francisco “Kit” Tatad at dating  Vice President Noli De Castro. 

Kabilang sa akda ni Biazon ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Rental Reform Act of 2002, Comprehensive and Integrated Shelter Finance Act,  An Act Providing for the Modernization of the Armed Forces of the Philippines, Mandatory Pag-ibig Membership Act,  at iba pang mga kapaki-pakinabang na batas.

Isa namang Senate resolution ang ipinagkaloob ng senado sa pamilya ini Biazon bilang pagpapakita ng pagkilala sa dating senador.

“The family has nothing but the most sincere appreciation for the senators who have given their testimony in this august chamber, in praise of a man who dedicated his productive years to serving the Filipino people,” ani Muntinlupa Mayor Rozzano Rufino B. Biazon, anak ng senador. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …