Wednesday , September 3 2025
gun ban

Inakalang babarilin ng negosyante
BOGA INAGAW NG ‘KLASMEYT’

SINUNGGABAN at inagaw ng dating kaklase ang baril ng isang negosyante na ipagyayabang sana ngunit inakala ng biktima na gagamitin ito sa kanya ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Bengie Nalogoc at P/Cpl. Rocky Pagindas, nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan si Arnold Arigadas, 40 anyos,  ng 134 Sitio Santo Niño, Governor Pascual St., Brgy. Concepcion nang dumating ang suspek na si Oliver Duque, 38 anyos, businessman ng #63 Kaunlaran St., Brgy. Muzon dakong 10:00 pm at niyaya ang dating kaklase dahil may ipapakita umano sa kanya.

Pagsapit ng dalawa sa madilim na bahagi ng Kasarinlan St., Brgy Muzon, bigla umanong binunot ng suspek ang kalibre .45 baril na may magazine at kargado ng pitong bala ngunit bago pa umano maitutok sa biktima ay nakipag-agawan na ito hanggang makuha ang armas.

Dahil dito, nagtatakbo ang suspek palayo kaya’t nagpasiya ang biktima na ibigay sa kanyang kapatid ang baril upang isuko kina P/SSgt. Jerson Bauzon at P/Cpl. Ramrod Reyes ng Malabon Police Sub-Station 7 na nagresponde sa lugar.

Ayon sa mga nakasaksi, ipagyayabang umano ng suspek sa biktima ang dalang baril ngunit inakala ng huli na gagamitin ito sa kanya kaya’t kaagad siyang nakipag-agawan.

Iniutos na ni Malabon City Police Chief P/Col. Amante Daro ang pagtugis sa suspek na sasampahan ng kasong grave threat bagama’t puwede pang madagdagan kapag nabigo siyang magpakita ng mga papeles na magpapatunay na lisensiyado at may permit to carry ang baril. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Angeles Pampanga Police PNP

4 miyembro ng hold-up gang timbog sa checkpoint; baril, granada nakompiska

ARESTADO ang apat na kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng hold-up gang sa isang checkpoint operation …

Motorcycle Hand

Nakaw na motorsiklo pinang-good time, suspek timbog

NADAKIP ang isang suspek sa pang-aagaw ng motorsiklo matapos mahuli sa aktong paggamit nito sa …

Goitia Kabataan Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Chairman Goitia: Kabataan, Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang tunay na sukatan ng tagumpay ng …

Graziella Sophia Ato PAI Eric Buhain Anthony Reyes Swim

Ato, Chua nanguna sa PAI National Open Water Tryouts; pasok sa SEA Games

CURRIMAO, Ilocos Norte — Itinatak ng Rising stars na sina Graziella Sophia Ato at Alexander …

DOT launches Philippine Golf Experience to boost PH tourism promotion

DOT launches Philippine Golf Experience to boost PH tourism promotion

Clark, Pampanga—Positioning the Philippines as a premier golfing destination, the Department of Tourism (DOT) officially …