Friday , November 15 2024
Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa amnesty sa pagbabayad ng estate tax.

Walang ni isa mang senador ang tumutol o nangangahulugan na 24 na senador ang bumuto pabor sa Senate Bill 2219 ang panukala na pagpapalawig sa amnesty ukol sa  pagbabayad ng estate tax.  

Ang naturang panukala ay naglalayong palawigan pa ang programang estate tax amnesty hanggang Hunyo 14, 2025.

Sa kasalukuyan kasing Amnesty Estate Tax Act ay nakatakdang magtapos ang deadline sa pagbabayad nito ngayong Hunyo 14 ng taong kasalukuyan.

Sa naturang panukala ay pinalalawig din ang sakop nito na sa pagpapalawig na sakupin ang mga nabigong bayaran ang kanilang estate tax na pawang namatay ang may-ari ng lupa bago at noong Mayo 31, 2022.

Nakapaloob din sa naturang panukala na maaring bayaran ng hulugan sa loob ng dalawang taon na walang anumang pananagutang sibil at interest ang pagbabayad ng estate tax.

Matapos na maging isang batas ang naturang panukala ay kailangang agarang gawin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa loob ng 30 araw.

Sa mga nagnanais na makinabang ng naturang programa ng pamahalaan ay maari nilang gamitin ang pamamaraang electronic at manual sa pagfi-file ng kanilang aplikasyon para sa estate tax amnesty returns at pagbabayad ng buwis sa mga otorisadong banko, revenue district officer sa pamamagitan ng revenue collection officer at authorized tax software provider.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …