Thursday , May 8 2025

39 ikinasal sa Norzagaray na Wow Mali’

NORZAGARAY, Bulacan – Siguraduhin munang hindi suspendido ang inyong punong bayan bago magpakasal nang sibil sa opisina nito.

Tinataya kasi na uma-bot sa 39 ang bilang ng mga magsing-irog na mistulang na “wow mali” matapos sila’y ikasal ni dating Mayor Feliciano Legaspi mula Disyembre 2012 hanggang Mayo 2013.

Sa mga panahong iyon — 10 ang ikinasal sa buwan ng Disyembre 2012, 5 noong Enero 2013; 5 nang Pebrero 2013; 7 noong Marso 2013; 6 nang Abril 2013; at 6 nitong Mayo 2013. Sila ay ikinasal habang si ex-mayor Legaspi ay nasa ilalim ng “6-month suspension” na ipinataw ng Office of the Ombudsman.

Si ex-mayor Legaspi ay sinuspinde ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kasong “grave abuse of authority” matapos alisin at  i-demote sa puwesto ang kanyang municipal budget officer na si Yolanda Ervas at gawing public market administrator noong Mayo 19, 2011.

Bagamat naniniwala ang mga  magkasinta-han na may kapangyarihan  si Legaspi na mag-kasal noong araw ng pagdaraos ng seremonya, hindi naman ipinaalam  ng dating alkalde na siya’y hindi maa-aring magsagawa ng civil marriage na isang ‘official act’ ng alkalde.

Ayon sa Municipal Attorney ng Norzagaray, may nilabag umanong probisyon ng batas – Article 352 of the Revised Penal Code (Performance of illegal marriage ceremony) – dahil ang nasa-bing mga kasalan ay pinamunuan ni Legaspi noong panahong siya ay suspendido.  Batay sa official report ng Commision on Audit, si Legaspi ay suspendido mula Dis-yembre 13, 2012 hanggang Hunyo 13, 2013.

”Hindi natin masabing sila’y nalansi o naging bahagi ng isang huwad na seremonya.   Ang kasal kasi ay isang sag-radong kaganapan sa buhay ng isang tao,” ayon naman kay kasalukuyang Mayor Alfredo Germar.

Maaari umanong makulong ng minimum na dalawang buwan hanggang sa maximum na 2 taon ang sinomang lumabag sa probisyon ng nasabing batas.

“Malinaw na marami sa taga-Norzagaray ang na “wow mali” at hindi biro ang nangyaring kasalan sa bawat pamilya ng 39 nagsasama na bilang magkaisang dibdib o mag-asawa sa mata ng publiko,” ani Mayor Germar.

About hataw tabloid

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *