Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher de Leon

Ate Vi binabaha ng scripts; Shooting ng When I Met You in Tokyo ‘di pa tapos

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY ilan pa raw remnants, ibig sabihin mga naiwang eksena doon sa When I Met You in Tokyo na tinatapos pa nina Ate Vi (Ms. Vilma Santos) at Christopher de Leon dito atin. Mga interior shot na lang naman dahil ang lahat ng exterior ay natapos nila sa Japan.

“Ilang araw na lang din naman ito,” sabi ni Ate Vi. Una kasi minadali rin nila ang lahat ng shooting nila sa Japan dahil iba ang temperatura roon. Limitado rin ang araw ng kanilang permit to shoot. Natatakot din silang abutin na naman ng higpitan sa Japan dahil sa mga kaso ng Covid. 

“Isa pa, napaka-expensive sa Tokyo, para bang lahat ng bibilhin mo ginto. Kaya sabi nga namin iyong ibang interior sa Pilipinas na lang kunan,” pagkukuwento pa ni Ate Vi.

Gusto na rin naman ni Ate Vi na matapos ang shoot sa pelikulang iyan para mapaghandaan naman niya ang kasunod na gagawin. Simula noong mag-shooting siya ulit, bumabaha na naman ang scripts niya sa bahay at bawat isa’y umaasa ngang iyon ang mapipiling gawin ng Star for all Seasons. Alam naman kasi ninyo si Ate Vi, basta gumawa ng pelikula, tiyak patok sa takilya, hindi kinakabahan ang producers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …