Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Voice Kids 5

Final three maglalaban-laban para sa championship
SINO ANG HIHIRANGIN BILANG THE VOICE KIDS SEASON 5 GRAND CHAMPION?

NALALAPIT na ang pagtatapos ng The Voice Kids nang ipakilala na ang final three young artists na sina Shane Bernabe, Xai Martinez, at Rai Fernandez na maglalaban-laban sa matinding kantahan sa grand finals ngayong weekend (Mayo 20 at 21).

Nakatakdang kumatawan sina Shane, Xai, at Rai sa Kamp Kawayan ni Bamboo, sa Team Supreme ni KZ, at sa MarTeam ni Martin.

Nakakuha ng three-chair turn ang “Kiddie Pop Rockstar” na si Shane noong blind auditions dahil sa kanyang rendition ng Dukha. Napahanga rin ng “Enchanting Siren” na si Xai ang mga coach dahil sa kanyang mala-anghel na boses noong battle rounds

Samantala, pinabilib ng “Emotional Balladeer” na si Rai ang mga manonood nang maluha-luha niyang inawit ang Ikaw Ay Ako noong sing-offs.

May kapangyarihan ang mga manonood na pumili ng grand champion sa pamamagitan ng pagboto sa joinnow.ph/tvk5. Mahigpit na nagpapatupad ang The Voice Kids ng isang (1) boto sa isang account lamang.

Sino ang magiging grand champion ngayong season? Alamin sa The Voice Kids sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC (weekends simula 7:00 p.m.) at TV5 (Saturdays simula 7:00 p.m., Sundays simula 9:00 p.m.).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …