Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Covid-19 Bulacan

   Kaso ng Covid sa Bulacan, nananatiling nasa low hanggang minimal risk

Nilinaw ni Gob. Daniel R. Fernando na walang dahilan upang mangamba dahil nananatiling nasa low hanggang minimal risk classification ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan at nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Bulacan, pinakamababang klasipikasyon, sa nakalipas na mga buwan.

Nitong Mayo 9, iniulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ang 37 bago at 13 huling kaso, habang 110 kaso naman ang naitala ng Provincial Health Office-Public Health mula Abril 26 hanggang Mayo 2.

Dagdag pa rito, 94% ng 355 aktibong kaso ang walang sintomas, at 6% lamang ang malalang mga kaso.

“Wala po tayong dapat ipangamba dahil may bahagya mang pagtaas ng kaso ng COVID-19, ito naman ay kontrolado. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito ay maaari na tayong magpabaya. Narito pa rin ang COVID kaya naman kailangang pa rin tayong mag-ingat,” anang gobernador.

Bagaman hindi sapilitan ang pagsusuot ng face mask sa ngayon, hinikayat pa rin ni Fernando ang mga Bulakenyo na sundin ang basic health protocol lalo na sa mga lugar na hindi maayos ang bentilasyon at kung nasa labas.

Binigyang diin din niya ang pangangailangan sa hanggang dalawang COVID booster shot dahil susi ito upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19..

“Inilapit na po ng Pamahalaang Panlalawigan sa inyo ang pagbabakuna sa pamamagitan ng Vaccination on Wheels na kasabay na bumababa ng Damayan sa Barangay sa ating mga lugar. Ito po ay libre, ligtas, at epektibo, kaya naman wala na pong dahilan upang hindi tayo makapagpabakuna,” aniya.

Para sa iskedyul ng Vaccination on Wheels, maaaring bisitahin ng mga Bulakenyo ang Facebook page ng Bulacan Provincial COVID-19 Vaccination Site Updates sa https://www.facebook.com/bulacanprovincialvaccination.

Maliban dito, mayroon ring COVID booster shot sa mga health center at vaccination site sa bawat bayan at lungsod ng lalawigan.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …