Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
E-Palarong Pambansa

E-Palarong Pambansa, kaabang-abang ang paghataw

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

INILUNGSAD na ang E-Palarong Pambansa, isang National Youth Commission endorsed Esports tournament circuit, na naglalayong i-revolutionize ang Esports industry sa bansa.

Hangad nitong magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang Filipino sa Esports, palakasin pa ito, at isulong ang pagyabong nito sa bansa habang pinalalakas ang grassroots Esports ecosystem.

Layunin ng E-Palarong Pambansa na makabuo ng organisadong at naghahatid ng kasiyahan na Esports ecosystems na makapagbibigay sa Esports enthusiasts ng career opportunities.

Tampok dito ang five events – dalawang PC games particularly ang Valorant at League of Legends, plus tatlong Mobile games – ang League of Legends Wild Rift, Call of Duty Mobile, at Mobile Legends Bang Bang.

Target nito ang Pinoy young players mula sa pinakamaliit na bayan, hanggang sa pinakamalaking lungsod ng Filipinas.

“This will create more opportunities for the Filipino youth to participate in a multi-million dollar industry,” pahayag ni Jaymart Montehermoso na isa sa mga nagsusulong ng E-Palarong Pambansa.

May kabuuang 1,634 bayan at munisipalidad ang inimbitahan para makilahok sa tournament circuit na nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng advisory ng the National Youth Commissionsa pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan Federation (Youth Council Federations) Presidents sa buong bansa.

Nationwide ang taunang event na ito na bawat lungsod sa bansa ay hahanap ng winner at ang lahat ng naging winners sa parte ng Norte, Visayas at Mindanao ay maglalaban-laban na ang mananalo ay tatanghaling kauna-unahang winner ng E-Palarong Pambansa.

Ito ay magaganap sa Iloilo, na magsisimula sa June hanggang August ngayong taon.

Pagkakataon na ito ng mga kabataan na may natatanging husay sa paglalaro ng ESport at video games na ipakita ang kanilang galing na may katuturan ang pagkahilig nila sa larong ito na kinahuhumalingan ng marami, bata man o matanda, babae man o lalaki.

Ang mga tao sa likod ng E-Palarong Pambansa ay sina Rolly Pagaspas, Head of Partnerships, E-Palarong Pambansa Timothy Tia – Operations Manager, Silicon Valley Gaming Association Andy Koh – CEO, GEMS Jamar Montehermoso, CEO, ILO E-Sports / Founding Head, E-Palarong Pambansa JM Magalona – Sales Executive (MICE), Injap Tower Group Remar John Bayona, Head of Broadcast, E-Palarong Pambansa Brian Ong – Head of PR, Hotel 101 Group.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa E-Palarong Pambansa, mag-email lang sa [email protected].

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …